" SI ROGER BA O SI LANDO "

1 0 0
                                    


    Habang lumilipas ang araw ay patuloy na umuunlad ang
tindahan ni Lorena. Nagtayo na rin siya ng maliit na karin-
derya mismo sa tabi ng bahay
niya. Kailangan na niya ang makakatulong. Naglagay siya
ng karatula sa harap ng tinda-
han niya. Kailangan niya ang
dalawang babae, isa ang tatao
sa tindahan at isa sa karinder-
ya. Siya na mismo ang maglu-
luto ng panindang ulam. Natu-
to siyang magluto dahil maga-
ling na kusinero ang Tatay ni-
yang si Mang Anton lalona ang
mga putaheng Ibanag at Iloka-
no tulad ng pinakbet, igado at
iba pang putahe.
    Isang araw ang lumipas, da-
lawang dalagita ang nag-apply
kay Lorena, sina Cristy at Leni.
Magpinsan ang dalawa. Sa Ton-
do rin nakatira at nagkataong
taga Cagayan din mula sa ba-
yan ng Solana, katabing bayan
ni Roger, ang Enrile, Cagayan.
Ibanag din ang dalawa. Mukha
namang mababait at masisi-
pag, tinanggap agad ni Lorena.
    Isang linggo ang lumipas ay
naging paboritong kainan sa
lugar nila ang " LORENA'S KA-
RINDERYA. " Hindi nagtagal ay
mas malakas pa kumita ang
karinderya kumpara sa tinda-
han niya, ibig sabihin, masarap
talaga ang mga luto niya. Pa-
minsan-minsan ay kumakain
din sa karinderya niya sina Ro-
ger at Lando, ang dalawang
masugid niyang manliligaw.
    " Hindi talaga ako nagkamali
na ikaw ang napili kong maka-
kasama habang buhay, " wika
sa kanya ni Roger nang minsan
ay kumain ito sa kanyang ka-
rinderya.
    "  May talent ka pala sa pag-
luto, " dugtong ng binata.
    " Magaling kasi na kusinero
ang Tatay ko sa Barangay na-
min sa Aparri. Sa kanya ako
natuto. "
    " Lorena, bukas di ba Linggo.
Puwede bang dumalaw uli sa
iyo kung okey lang. "
    " Tamang- Tama dahil gusto
ka raw makilala ng anak kong
si Junior. "
    " Salamat Lorena. Sige aalis
na ako. Dito na rin ako bibili ng
ulam ko pagpasok ko sa City
Hall. "
    " Sige Roger. Ingat lang lagi. "
    Kinabukasan, gabi ng Linggo
ay panauhin uli ni Lorena ang
binatang halata niyang pursigi-
do talaga ng panliligaw sa kan-
ya.
    " Roger, eto ang anak kong si
Junior. Anak, batiin mo si Kuya
Roger. "
    " Kumusta po Kuya. "
    " Mabuti naman sa grasiya ng Diyos. Ilang taon ka na Ju-
nior? "
    " Eight years na po ako last
April 5. "
    " Uy! April din ang birthday
ko, April 7. "
    Naghanda si Lorena ng mer-
yenda habang nag-uusap sina
Roger at Junior.
    " Wow!, ang sarap ng kuwen-
tuhan ninyo a. "
    " Masarap kakuwentuhan
itong anak mo. Mukhang matalino at mabait na anak. "
    " Magmeryenda muna tayo.
Masarap itong kamote cue, o
kain na. "
    " Junior, siguro ay sinabi na
ng Mama mo na ako ay nanli-
ligaw sa kanya. Okey lang ba sa iyo na ako ang magiging 2nd
Papa mo? "
    " Wala pong problema sa akin Kuya kung sa iyo siya li-
ligaya. Huwag mo lang siya pa-
luluhain. Sabik na rin ako mag-
karoon ng Tatay dahil ayon kay
Mama ay sanggol pa lang daw
ako nang mapatay si Papa ha-
bang naka-duty siya bilang Se-
curity Guard sa isang klab. "
    " Wala akong inilihim diyan
sa anak ko tungkol sa kanyang
ama. Salamat sa Diyos at nau-
nawaan niya ang mga pangya-
yari sa buhay namin. "
    " Matalino nga itong anak mo
dahil sa edad niyang iyan ay
nakakaunawa na siya sa mga
pangyayari sa buhay. "
    " Kung ako nga ang mapalad
sa puso ng Mama mo, ituturing
kitang tunay na anak. Pangako
iyan at talagang gagawin ko.
Pareho ko kayong mamahalin
tulad ng pagmamahal ko sa sa-
rili ko. "
    " Mayroon lang akong kahili-
ngan Kuya Roger. Nakita kasi
kitang ipinitik mo sa trash can
yung upos ng sigarilyo mo ka-
nina bago ka pinapasok ni Ma-
ma. Baka puwedeng alisin nin-
yo kung anumang bisyo na me-
ron kayo, kung puwede lang po
Kuya. "
    " Walang problema. Sabagay,
nabasa ko sa isang pahayagan
na 14 sakit daw ang idinudulot
ng sigarilyo sa katawan ng tao.
Sige, Junior, alang-alang sa in-
yong mag-ina ay alisin ko na ang paninigarilyo ko at pag-
inom ng beer. "
    " Salamat Kuya. Ayon pa rin
kay Mama, wala daw kahit isang bisyo si Papa noong na-
buhay pa siya. Mama, inantok
na po ako, matutulog na po
ako. Kuya Roger, matutulog na
po ako. Sige lang, usap lang ka-
yo ni Mama. Pagbutihin mo
Kuya para maging Tatay kita. "
    " Mapagbiro din pala ang
anak mo. Kumusta na ako sa
puso mo Lorena. "
    " Bigyan mo pa ako ng kahit
isang linggo. Tinitimbang ko pa
kung sino sa inyo ni Lando ang
pipiliin ko. Di ba sinabi ko na sa iyo na nanliligaw din siya sa
akin. "
    " A! oo, yung kasapi ng grupo
ng SOS Daredevil na madalas na kinukuha sa action films, at
isa ring taxi driver. "
    " Siya nga. Mabait din kasi si-
ya at wala ring bisyo. "
    " Kung sino man sa aming
dalawa ang mapipili mo ay wa-
lang problema sa akin. Matutu-
han din kita sigurong limutin
kung kayo ni Lando ang mag-
katuluyan. "
    " Ipakikilala ko rin siya sa
anak ko. Next na pumunta ka rito ay malalaman mo na ang kasagutan ko, either yes or no,
pero malamang yes. "
    " Salamat Lorena, binigyan
mo ako ng pag-asa. Sana ay hu-
wag mo akong bibiguin. "
    " Mula ngayon ay magsimula
ka nang manalangin para kung
sasagutin ka Niya ay hindi ka
mabibigo sa akin dahil ang la-
hat ng nagaganap sa mundong
ibabaw ay nasa kapahintulu-
tan ng Diyos maging positibo
man o negatibo man. "
    " Sige Lorena, magpapaalam
na ako. Siguro'y tulog na ang
anak mo. Mabait at magalang
na anak. "
    Makaraan ang dalawang araw ay si Lando naman ang
panauhin ni Lorena.
    " Eto ang anak kong si Junior,
ang alaala ng asawa kong si
Gardo. Junior, batiin mo si Kuya Lando, lumiligaw din siya sa akin. "
    " Maganda kasi at mabait ang Mama ko, kaya dala-dala-
wa ang lumiligaw sa kanya. "
    " Naku! anak, baka naman
sobra na ang paghanga mo kay
Mama. "
    "  Talaga namang maganda
ka at the best Mommy in the
world. "
    " Ang sweet naman ninyong
mag-ina Lorena. Sana ako ang
pipiliin mo sa amin ni Roger.
Sigurado ko, masaya tayong
pamilya. Hindi ka magsisisi
kung mapipili mo ako. "
    " Bigyan mo ako ng dala-
wang linggong pag-iisipan ko
ang proposal mo. Okey lang ba
sa iyo Lando? "
    " Di ba ang sabi ko sa iyo noon na makapaghihintay ako
kahit matagal dahil talagang
mahal na mahal kita. "
" Kuya Lando, pareho ba kayo
ni Kuya Roger na walang bis-
yo? "
    " Oo Junior, wala talaga akong bisyo. Mahilig lang ako
mag-gym. "
    " Kaya pala ang ganda ng ka-
tawan mo Kuya. Pag binata na
ako, gagayahin kita Kuya na
isang maskulado. "
    " Kailangan talaga natin ang
exercise Junior, mabuti ito sa
kalusugan natin. "
    " Tulad ni Roger noong hu-
ling dalaw niya kay Lorena,
maaga ring natulog si Junior.
Hindi nagtagal ay nagpaalam
na si Lando.
    " Lorena, magpapaalam na
ako, pasado alas-10:00 na pala
dito sa relo ko. "
    " Sige Lando, after two weeks
ha. Ingat lang lagi. "
    " Salamat Lorena sa paalaala
mo. Si Lord ang mag-iingat sa
atin. "

   

LORENAWhere stories live. Discover now