" SINO ANG PIPILIIN KO "

1 0 0
                                    


Mukhang tinamaan si Roger
kay Lorena. Hindi siya mapa-
kali sa trabaho niya. Si Lorena
ang nasa isip niya. Hindi maa-
aring magkamali sa nararam-
daman sa sarili, umiibig siya
kay Lorena. Pero bakit kay Lo-
rena pa na isang biyuda? Ma-
rami namang dalaga lalona sa
opisina nila. Isa siyang clerk sa
Manila City Hall. Guwapo na-
man siya at still available. Nai-
tanong sa sarili, bulag ba ang
pag-ibig? Pero sa nararamda-
man niya, hindi siya nabubu-
lagan sa biyuda ni Gardo. Ma-
hal niya ito, at sigurado siya sa
sarili, mahal niya talaga si Lo-
rena. Liligawan niya ito.
Gabi ng Sabado. Panauhin ni
Lorena si Roger. Maaga siya nagsasara pag gabi ng Sabado.
Hindi naman siya nagtitinda ng alak at sigarilyo. Sabado ka-
si ng gabi ay maraming nag-ii-
numan sa kalye nila. Kundi ga-
bi ng Sabado ay gabi ng Linggo
na may mga lasing sa kalsada.
At madalas din na may nag-aa-
way na mga kapwa lasing na.
" Ang lakas ng loob mo. Ma-
raming loko dito sa kalye na-
min. Minsan nga isang umaga
ng Linggo ay may nakita akong
taong nakabulagta sa kalsada
dito sa tapat namin. Patay na
at maraming saksak sa kata-
wan. "
" Para sa akin, kung wala
akong kaaway, wala akong da-
pat katakutan. At isa pa, tapat
ang hangarin ko sa iyo Lorena.
Hindi kayang hadlangan ng
anumang sandata ang pagma-
mahal ko sa iyo. "
" Nililigawan mo na ba ako sa lagay na iyan? "
" Oo, mahal na mahal kita. "
" Ilang babae na ba ang pi-
nagsabihan mo ng ganyan? "
" Ikaw pa lamang. "
" Sa edad mong iyan at guwa-
po rin naman, ibig mong sabi-
hin ay NGFSB ka pa? "
" Anong NGFSB? "
" Ay! hindi mo nga pala alam.
NO GIRLFRIEND SINCE BIRTH.
Ano, na-getz mo? "
" Oo, naunawaan ko na. Wa-
la talaga akong naging nobya. "
" Well, pag-iisipan ko pa ang
iniluluhog mong pag-ibig. Sa-
bagay, pitong taon na rin akong
biyuda, pero wait ka lang, baka
may pag-asa ka. "
" Makapaghibintay ako kahit
matagal dahil mahal na mahal
talaga kita. Alas-10:15 na. Mag-
papaalam na ako Lorena. "
" Sige, ingat lang. Talasan mo
ang paningin at pandinig mo.
Marami ring adik dito, baka
mapag-tripan ka nila, huwag
naman sana. God bless you. "
Pursigido talaga si Roger.
Nais niyang ihatid sa altar si
Lorena. Naalaala niyang may-
roon siyang niligawan sa ba-
yan nila sa Enrile, Cagayan
noong binatilyo pa lamang si-
ya, si Cora na kababata niya.
Pareho silang 16 anyos noon.
Subalit nalunod sa Cagayan
River ang dalagita nang min-
sa'y naliligo sila kasama ang
dalawang kaibigang dalagita
rin. Nagawi si Cora sa medyo
malalim na bahagi ng ilog at
napalayo sa mga kaibigan. Pi-
nulikat siya hanggang tanga-
yin ng agos. Na-recover naman
ang bangkay ng dalagita. Mu-
la noon ay hindi na nanligaw ng ibang babae si Roger kahit
ganap na siyang binata noon.
Si Cora ang first love niya. Aka-
la niya noon ay hindi na siya
iibig uli, ngunit nagkamali pa-
la siya. Si Lorena ang babaeng
muling nagpatibok ng kanyang
puso. Mahal na mahal niya ito.
Hindi lamang si Roger ang nabighani kay Lorena na ma-
pagkakamalang dalaga pa da-
hil sa magandang mukha at
magandang hubog ng katawan.
Mayroon pang isa, si Lando na
isang taxi driver. Hindi kagan-
dahang lalaki si Lando pero
matipuno ang katawan dahil
once a week ito sa gymnasium.
Marunong din ito ng martial
arts. Isa siyang karate black
belter. Member si Lando ng
SOS Daredevil, mga grupo ng
mga expert sa martial arts na
madalas kinukuha sa mga ac-
tion films. Ang founder ng mga
stuntmen na ito ay si Ric Busta-
mante na madalas ding kon-
trabida sa mga action films.
" Hindi mahalaga sa akin Lo-
rena kung biyuda ka man. Bas-
ta ang alam ko, mahal kita. "
" Di ba stuntman ka at mada-
las kayong kinukuha sa mga
action films. Sigurado ko, ma-
rami ka nang pinaluhang ba-
bae Lando. Itsurang nagbibi-
lang ka ng nobya. "
" Mali ka diyan. Dalawang
beses lamang ako nagkaroon
ng girlfriend na parehong anak
ng mga may kaya sa buhay pe-
ro parehong hindi ko nakatulu-
yan dahil ang gusto ng mga
magulang nila ay mga ka-level
daw nila at hindi daw sa mga
patay-gutom na stuntman tu-
lad ko. "
" Masyado namang masakit
magsalita sa kapwa ang mga
iyon. "
" Kaya, sabi ko sarili ko, hin-
di na ako manliligaw sa mga
babaeng ang mga magulang
ay mga mata-pobre. "
" Alam mo Lando, may nau-
na sa iyo na nanliligaw sa akin,
si Roger na kapwa ko Ibanag,
pero hindi ko pa sinasagot da-
hil plano kong huwag nang
mag-asawa muli. Ibubuhos ko
na lang ang buong panahon ko
sa aking anak. Kailangan ni-
yang makatapos ng pag-aaral.
Edukasyon lamang ang alam
kong paraan para makaahon
sa hirap ang isang tao. "
" Magkatuwang nating pag-
aralin ang anak mo hangga't
makatapos kapag tayo'y mag-
asawa na. "
" Okey iyon Lando, pero big-
yan mo pa ako ng panahon kung sino sa inyo ni Roger ang
mapalad. At sana kung siya ang mapipili ko ay huwag sana
sumama ang loob mo sa akin at sa kanya. May the best man
win, ika nga. "
" Igagalang ko ang pasiya mo
Lorena. Kung ako ang mapalad
at sana nga ay uuwi tayo sa Pa-
ngasinan. May namana akong
apat na ektaryang palayan sa
magulang ko at doon na tayo
manirahan hanggang sa pag-
tanda natin. "
" Magaganda ang mga plano
mo, pero hayaan mo kung ano
sasabihin ng puso ko. At kakau-
sapin ko rin ang anak ko kung
pabor siyang magkaroon siya
ng pangalawang ama. Okey ba
iyon sa iyo. "
" Walang problema sa akin.
Kung anong desisyon mo ay
igagalang ko. "
Nang gabing yaon ay hindi
agad nakatulog si Lorena.
" Inay, may problema ka ba?
Ala-una na ng madaling-araw
ay gising pa kayo, tanong ni
Junior sa ina.
" Anak, halika, may sasabi-
hin ako sa iyo. "
" Sige Inay, makikinig po ako
sa inyo. Ano iyon. "
" Kung may manliligaw sa
akin at magugustuhan ko, ayos
lang ba na mag-aasawa uli
ako? "
" Hindi ko po saklaw ang damdamin ninyo. Kung ikali-
ligaya ninyo ay walang pro-
blema sa akin. Maging matali-
no sana kayo sa pagpili. Huwag
kayo tumingin sa panlabas na
anyo. Dapat may mabuting puso at may takot sa Diyos. Ba-
ka mamaya ay masamang asa-
wa ang matagpuan ninyo,
ako ang makakalaban niya. "
" Ang talino mo namang su-
magot anak. "
" Itinuturo din po sa amin
sa Methodists School ang tung-
kol sa kabutihang-asal, Inay. "
Sino bang gustong manligaw
sa inyo Inay? "
" Actually, dalawa sila at nan-
liligaw na sila sa akin. Ipakiki-
lala ko sila sa iyo anak. "
" Sige Inay at makilatis ko
sila kung orig ba sila o peke. "
" Naku! ha, marunong ka
na, hi!-hi!-h! "
" Kailangan talaga Inay para
hindi ka magsisisi sa dakong
huli. "

LORENAWhere stories live. Discover now