CHAPTER 36

29.8K 447 9
                                    

This chapter is for you.

Thanks for reading and for voting:)))

Keep safe.

============

MHOR'S SIDE 




"Oh napasugod ka ata ngayon dito?" -tanong sa akin ni Mark.  

Pumunta kasi ako sa condo unit niya pagkatapos kung ihatid si Jhoy sa bahay nila. Galing lang kaming Boracay pero kailangan ko lang talagang makausap itong si Mark. 

Sa tatlo kung kaibigang ugok, siya lang yung matino-tino sa kanila kaya siya yung pinuntahan ko. 

Hindi ko na siya sinagot at tuloy-tuloy na pumasok sa unit niya. 

"Parang may-ari lang ah!" -sita sa akin ni Mark. Sanay na naman siya sa akin eh.  

Pagod ako! Ang gusto ko lang ngayon ay makaupo at makapagpahinga man lang sana, kahit konti bago ko sabihin yung pakay ko kay Mark. Pero laking gulat ko nung makita ko yung dalawang lalaking to. 

"Woah! No masamang hangin ang nagdala sa'yo rito?" -gulat na tanong sa akin ni Bill. Isa pa to. 

"Tigilan mo ako Bill!"-pagbabanta kong sabi sa kanya. 

"Chill lang naman Mhor, ang init ng dugo mo."-puna pa ni Clide. Isa pa din to! 

Ano ba kasi ang ginagawa nila dito? Hindi ko makakausap ng matino tong si Mark pag-andyan sila. Wala naman akong mapapala diyan sa dalawa eh. 

"AAAIIIIISSSSHHH."-suko kung reklamo. Ano pa bang magagawa ko? 

"Mark, pwede ba kitang maka-usap." -sabi ko kay Mark. Simulan na'to para makaalis na din ako. Gusto ko pang magpahinga. 

Book 1: I Am A Selfish Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon