CHAPTER 29

28.1K 500 74
                                    

Hi babygirl:)))

This is for you.

Hope you'll like it!

Keep safe always<3

============

THIRD PERSON POV 




Lumipas ang mga araw na naging abala si Jhoy. Sinikap niya na huwag isipin yung mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Kahit hirap na hirap na siya, sinusubukan niya pa ding maging matatag. Pero hanggang ngayon ay inaamin ni Jhoy na sasaktan pa din siya. 

Hindi din lingid sa kaalaman ni Jhoy na tuloy-tuloy na yung relasyon ni Mhor at Hillary. Kahit nasasaktan siya sa bagay na yun ay pipilitin niyang maging masaya para na din kay Mhor. 

Habang sa kabilang banda naman, hindi kailanman nawaglit sa paningin ni Zince si Jhoy. Si Zince ang naging sandigan ni Jhoy. Siya yung umalalay sa kanya. Kung kailangan niya nang maiiyakan ay palaging andyan si Zince para ipahiram yung balikat niya. 

Sa panahong wala nang lakas na lumaban si Jhoy, si Zince yung andun para lumaban para sa kanya. Siya yung nagtatanggol sa mga chismosa na iniintriga ang buhay ni Jhoy. Na kesho malanding babae si Jhoy, haliparot, mang-aagaw ng girlfriend.  

Si Zince yung andun at hindi si Mhor. Kaya doon pa lang, napagtanto ni Jhoy na hinding-hindi siya iiwan ni Zince kahit na anong mangyari. Si Mhor na minahal, ibinigay niya ang lahat. Pag-unawa, pagtitiwala at higit sa lahat pagmamahal. Pero anong sinukli nito sa kanya? 

Sakit. Sobra-sobrang sakit. 

Pero sabi nga ni Zince kay Jhoy, "baling araw pagsisisihan niya din kung bakit iniwan ka niya." Yun yung palaging sinasabi ni Zince kapag nalulungkot si Jhoy sa naging desisyon ni Mhor. 

Hindi nga naglaon ay mas lalong napapalapit yung mga kalooban ni Jhoy At Zince sa isa't-isa. Hindi na sila mapaghiwalay. Kung saan pupunta si Zince andun si Jhoy, maliban na lang kapag basketball practice na. 

Sa mga panahong yun naging maganda na yung takbo sa buhay ni Jhoy, hindi na siya masyadong nalulungkot, hindi na din siya gaanong nasasaktan kapag nagkakasalubong sila ni Mhor sa university. 

Pero ang hindi alam ni Jhoy na maling balita pala ang naririnig niya na nagiging okay na sina Mhor at Hillary dahil kabaliktaran ang nangyayari sa kanila ngayon. 

Book 1: I Am A Selfish Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon