CHAPTER 4

41.6K 662 25
                                    

Thank you sa pag-fan din sa akin((((:

===========

JHOY'S SIDE




..YOU HAVE A TEXT MESSAGE.. 

_____________________________________________________________________________________ 

Dito ako sa gym. Punta ka na lang.

Sender: 

Mhorpy 

+63917******* 

Received: 

05:12:47pm 

Today 

_____________________________________________________________________________________

Bakit Mhorpy yung naka save sa contacts ko? 

Kasi naman yan yun yung endearment ko sa kanya kapag naglalambing ako. HAHAHAHA 

Ayaw na ayaw niya kasi yan kaya mas ginaganahan akong tawagin siya nang ganyan kapag inaasar ko siya. Napaka-pikon kasi nang taong yun. 

Palaging high-blood. 

Yan nga palaging inaawayan nila Hillary eh. Yung ugali niya. 

Pero mabalik tayo sa text ni Mhor. Pinapapunta pala ako sa gym, siguro nagpra-practice na din sila ngayon. Varsity player kasi si Mhor sa university naming sa basketball. Siya nga yung team captain nila eh. 

Oo siya na yung sports-minded. Pasensya naman daw, pero kahit isang sports wala akong alam laruin. 

Badminton nga di ko pa matamaan yung shuttle cock. 

Inaasar nga ko ni Mhor na lampa. Pero di naman. 

I do runs naman every weekends! 

Kasalukuyan pa din akong naglalakad patungong gymnasium namin. 

Ramdam ko pa din yung mga mata na parang CCTV kung maka-tingin sa akin. 

Ewan ko sa inyo! 

Dedma na nga lang.

Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa gym, may tumawag na agad sa akin. 

Book 1: I Am A Selfish Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon