" BAKIT ANG ASAWA KO PA? "

6 0 0
                                    


    Tondo, taong 1999. Sa isang
pamilya sa kalye Guidote ay isinilang ni Lorena ang isang sanggol na lalaki. Nagkataong ang asawa nitong si Gardo na isang Security Guard ay naka-
duty bilang pang-gabi sa
isang night club sa Ermita. Gu-
wapo ang bata, palibhasa'y ti-
pong artista ang amang basket-
bolista rin na may taas na 6'4".
    Kinabukasan, pasado alas-
7:00 na ng umaga nang maka-
uwi si Gardo sa kanilang taha-
nan. Walang pagsisidlan ng tu-
wa ito nang makita ang bagong
silang na panganay.
    " Junior ang ipapangalan na-
tin. Dapat tataglayin niya ang
pangalan at apelyido ng pamil-
ya  ko. "
    " Ikaw ang masusunod ma-
hal, sabagay kamukha mo na-
man siya. "
    " Gagawa din tayo ng babae
at Loren ang ipapangalan na-
tin para isang letra na lang ay
kapangalan mo na. "
    " Kasisilang lang ni Junior ay
paggawa agad ng bata ang na-
sa isip mo hi!-hi!-hi! "
   " At dapat kasing-sexy mo rin,
at siyiempre, kasing-bait mo. "
    " Kulang naman ang descrip-
tion mo sa akin. Bakit wala yung kasing-ganda mo. "
    " Naku! ha, nahawa ka na rin
sa pagiging kalog ko. "
    " Diyan nga ako na-in-love sa
iyo bukod pa na nakakahawig
mo si Ace Vergel. Halika na nga, mag-almusal na tayo. "
    " Wow! talagang alam na alam mo ang paborito kong al-
musal- sinangag, fried egg at
langgunisa na may sawsawang
sukang Iloko na may bawang at black coffee. "
    Pagkatapos nilang mag-al-
musal, makaraan ang kalaha-
ting oras ay nahiga na si Gardo
sa papag na kawayan para ma-
tulog. Ibinabad naman ni Lore-
na ang katsang lampin sa sa-
bon at klorox. Hindi siya guma-
gamit ng pampers dahil mas magastos ito. Tiyagain na lang
niyang labhan ang mga lam-
ping ito.
    Disyiembre 20, 1999, limang
araw bago magpasko ay nagka-
roon ng kaguluhan sa loob ng
night club na pinapasukan ni
Gardo. Nag-away ang dala-
wang grupo. Tinangkang paya-
pain ni Gardo ang kaguluhan.
subalit sa kanya nagalit ang li-
der ng isang grupo na si Raffy.
Nagkaroon ng pagtatalo ang
dalawa hangga't bumunot ng
baril si Raffy na isa palang pu-
lis at pinaputukan si Gardo at
nasapul ito sa tiyan. Gumanti
ng putok si Gardo at nasapul sa
kaliwang dibdib si Raffy. Dead
on the spot ito. Si Gardo naman
ay isinugod sa pinakamalapit
na ospital, subalit dead on arri-
val siya dahil malala din ang
tama nito. Nang malaman ni
Lorena ang nangyari sa asawa
ay hinimatay ito. Isinugod siya
sa Tondo General Hospital ng
mababait na kapit-bahay. Ang
anak niya ay inaalagaan ng
ilang kakilala. Mga ilang minu-
to ang lumipas ay nagkamalay
na siya.
    " Anong nangyari sa akin,
saan ang anak ko? " tanong ni-
ya kay Nida, ang nagsugod sa
kanya sa ospital.
    " Huwag kang mag-alala. Bi-
nabantayan siya ni Remy sa
bahay ninyo, " wika ni Nida.
    Bigla siyang napagulgol at
napayakap kay Nida.
    " Bakit nangyari ito sa amin?
Bakit ang asawa ko pa? Papaa-
no na kami ng anak ko? "
    " Pagsubok lang iyan. Magti-
wala ka lang sa Panginoon.
Hindi ka pababayaan ng Diyos.
Mabuti kang tao. Narito lang
kami na handang dumamay
sa iyo Lorena. "
    " Salamat Ate Nida. "
    Nakalibing na si Gardo sa tu-
long ng mga mababait na ka-
pit-bahay ni Lorena. Kinagabi-
han ay hindi niya napigilan
ang sarili. Sa tindi ng kalung-
kutan, nagsimulang umagos
ang masaganang luha mula sa
kanyang mga mata. Nausal ni-
ya sa na parang kinakausap ang Diyos.
    " Lord, bakit ang asawa ko
pa? Ang daming taong masa-
sama, bakit hindi sila ang inu-
na mo para mabawasan ang masasamang tao sa mundong
ibabaw? Tulungan po Ninyo
ako Panginoon na malagpasan
ko ang pagsubok na ito at iba
pang pagsubok na maaaring
dadanasin pa namin ng anak
ko. Tulungan mo kami Lord. "
    Pagkatapos ay dinampot
niya ang Tagalog Bible. Binuk-
lat niya ito at nagkataong aklat
ng Hebreo 13:5 ang nabuklat.
At ito ang isinasaad sa dulo ng
bersikulong ito:
    " Hindi kita iiwan ni pababa-
yaan man. "
    Niyakap niya ang Bibliya at
nausal niya: " Salamat Pangi-
noon sa Iyong Banal na Salita.
Pinalakas mo ang loob ko. "
    Lumipas ang mga araw. Pa-
paubos na ang ipon nila ng
asawa. Itinagubilin ang anak
kay Nida. Nilakad niya sa SSS
ang death benefits ng asawa.
Dalawampung taon din sa pa-
giging guwardiya si Gardo. Bi-
nata pa ito ng magsimula sa
pagiging security guard. Sa Lu-
neta o Rizal Park sila nagkaki-
lala. Tanghaling tapat noon sa
Chinese Garden nang nilapitan
siya ni Gardo habang nakaupo
malapit sa lugar na kung saan
ay naroon ang maraming isda
sa isang pond. Karamihan sa
mga isda ay mga goldfish.
    " Hi! Miss, mukhang nag-iisa
ka. Hindi ka ba nalulungkot? "
pambungad ni Gardo.
    " Medyo dahil mag-iisang bu-
wan nang namatay ang Tatay
ko. "
    " Taga saan ka ba, I mean kung saan ka nakatira? "
    " Nakikitira lang ako sa Tiya
ko sa Moriones, Tondo, pero
taga Cagayan Valley ako, sa
Aparri, Cagayan. "
    " Taga Aparri din ako sa Ba-
rangay Toran. Pure Ibanag ako.
Ikaw, saan ka sa Aparri, anong
salita ninyo? "
    " Taga Barangay Punta kami.
Ibanag din ang salita namin. "
    " Ganoon ba? Magkaintinda-
han pala tayo. Security Guard
ako sa Star Group of Compa-
nies, yung gumagawa ng diyar-
yo diyan sa Port Area. Sa Base-
co compound ako nakatira. "
    " Kasambahay naman ako
mismo sa Moriones. "
    Buhat noon ay naging closed
na sila sa isa't-isa. Nagtapat ng pag-ibig si Gardo sa kanya mis-
mo sa Luneta nang namasyal
minsan. Sinagot na niya ang binata dahil mahal din niya
ito. Nang araw na iyon ng  Linggo ay niyaya siya ng binata papunta ng Chinese Garden
kung saan sila unang nagkaki-
lala. Iilan na lang ang tao dahil gumagabi na.
    " Lorena, puwede ba? "
    " Ano iyon? "
    " Alam mo na iyon, "
    " Sige, pero kiss lang a! "
    Mga ilang sandali pa ay nag-
lapat na ang kanilang mga labi.
Marahan sa simula, pero hindi
nagtagal ay umaalab na. Da-
mang-dama niya ang init ng
katawan ni Gardo lalona ang
mga halik nito. Natatangay na
siya at maaaring higit pa sa
halik ang puwedeng mangyari
sa kanila. Siya ang unang ku-
malas sa pagkakayakap sa kan-
ya ni Gardo.
    " Huwag Gardo, maaangkin
mo ako ng buong-buo pag ka-
sal na tayo. "
    " Oo, alam ko naman iyon,
kaya pinigil ko rin ang sarili ko
baka tayo ay kapwa matangay
ng ating damdamin. Mahal na
mahal kita Lorena. Ikaw ang
unang babae sa buhay ko, at
ikaw rin ang huli dahil mag-
papakasal na tayo sa lalong
madaling panahon. "
    " Kung iyan ang gusto mo,
hindi ako tumututol. "
    Nagpakasal nga sila sa City
Hall. Ang ina ni Gardo na si
Lolita at ilang kakilala, ang
apat na kapatid at ang Ninong
at Ninang nila, ang Security Officer sa Star Group of Com-
panies na si Teddy Ramones
at asawa nitong si Carla ang
humarap sa kasal nila. Sinagot
na ni Mr. Ramones ang gastos
sa pagkain sa isang fastfood
restaurant malapit sa bahay
nina Gardo sa Baseco Com-
pound.
    Naputol ang alaala ni Lorena
nang umiyak si Junior. Gutom
na siguro ang sanggol. Breast-
feeding ito kaya hindi Niya pi-
noproblema ang gatas ng anak.
   

   

LORENAWhere stories live. Discover now