PART 20

4.4K 84 21
                                    

"Isiah!"

Agad na napatigil si Denise papasok ng parking lot ng marinig ang pangalan ni Isiah. Boses babae ang tumawag sa binata at sa pagkakarinig niya ng boses ay ang bagong empleyado iyon na laging kadikit ni Isiah nitong nakaraang araw. Nalaman niya ring Janelle ang pangalan nito.

Nagtuloy tuloy na siya papasok ng parking pero agad rin siyang napahinto ng makita si Isiah, Nakatalikod ito sa kanya habang nakapamulsa, medyo ilang agwat lang ang layo ng mga ito sa kanya.

Pagkakita niya kay Isiah ay agad na nanariwa sa isip niya ang ginawa nito sakanya kanina sa conference room. Bawat haplos at halik nito ay parang ramdam parin niya hanggang ngayon kaya bago pa mapunta sa iba ang laman ng utak niya ay agad niyang ipinilig ang kanyang ulo.

"Ano pala ang ginagawa mo rito sa parking? May sasakyan ka?" Tanong ng babae kay Isiah.

Ayaw sana niyang makinig sa usapan ng mga ito pero parang may nag-uudyok sa kanya na manatili muna. Pasimple siyang nagtago sa pader at sumilip.

"I'm waiting for someone. And yes, may sasakyan ako."

"Wow. May sasakyan ka pala? A-ako ba ang hinihintay mo? M-may sasakyan ako pero pwede ko namang iwan dito para sabay nalang tayo."

Nakita niyang nagkamot ng ulo ang binata bago nagsalita. "I'm waiting for my girlfriend. I'm sorry, hindi kita pwedeng isabay, baka magalit si kumander."

Agad na napatikwas ang kilay niya sa sinabi nito. She even crossed her arms. "Kumander?"

Kitang kita naman niya na nagulat si Janelle sa sinabi ni Isiah. Dahil may ilaw sa kinapupwestuhan ng mga ito ay napansin niya rin na may bumalatay na sakit sa mukha ng dalaga.

"M-may g-girlfriend ka?"

"Yeah."

"B-but I-i thought you like me....."

"Huh?"

"I-i mean... I thought you have special something for me. Y-you even treat me to lunch."

"Oh that? You invited me remember? Pasensya ka na Janelle kung may nagawa man ako para isipin mo yun. It was just a co-employee normal lunch to me. Nothing else. I cannot like someone else because I love my girlfriend, so much."

Hindi niya alam pero biglang uminit ang puso niya sa sinabi nito. It was obvious that Isiah is pertaining no other than her. Pero hindi na siya nito girlfriend.

"S-so totoo ang naririnig ko sa iba tungkol sa inyo ni mam Denise? Akala ko chismis lang yun. Akala ko hindi yun totoo. Pero sabihin mo, totoo ba talaga?"

"Yes."

"P-pero sabi nila ex mo na siya."

"That's why I applied here. I want to pursue her again. She's my ex, but for me, she's still my girlfriend because we didn't have a proper break up. Or should I say, we didn't break up. And I can give up everything, just to be with her again, kaya nandito ako ngayon sa kompanya niya."

Nakita niyang kinagat ni Janelle ang ibabang labi nito at napansin niyang parang pinipigilan nitong maluha.

"She really like Isiah huh?"

"Kaya ba lagi mo siyang tinitignan?K-kaya ba nung kakain na sana tayo sa lobby nang mapansin mo si mam Denise, pasimple mo akong niyaya sa Fire mall? Para sundan siya?"

"Yeah. You see, she's my everything. Matagal kaming nagkahiwalay kaya hindi lang siya makita ng isang araw ay hindi ko kaya. I want to see her everyday."

"G-ganun ba?May gusto lang akong malaman. Sana sagutin mo ng totoo. Bakit pakiramdam ko ginamit mo ako para pagselosan siya?"

"S-sort of. Janelle, I'm really really sorry. I didn't expect this is going to happen."

HOT AND COLDWhere stories live. Discover now