PART 19

4K 78 10
                                    

WARNING!

WARNING!

WARNING!

Habang naglalakad papunta sa conference room si Denise ay hindi niya maiwasang hindi isipin si Isiah.

Isang linggo na siya nitong hindi pinapansin. Wala naman siyang pakialam kung hindi siya nito pansinin, ang ipinagtataka lang niya ay hanggang ngayon hindi parin ito nagpapasa ng resignation letter, samantalang um-okay na ito sa kanya na lalayuan at titigilan na siya.

Hindi kaya tuluyan ng nain-love ito sa bagong empleyado at nananatili parin ito sa kompanya niya para makasama nito ang babae?

"You should celebrate! Atlast, tinigilan ka na ng taong nanakit sayo!" Sigaw naman ng isang bahagi ng isip niya.

Ipinilig niya ang kanyang ulo para iwaglit sa ngayon ang isip patungkol kay Isiah.

Pagpasok niya sa conference room ay wala pa ang mga executive members, kaya naman kinuha nalang niya ang remote para ibaba ang mga blinds para hindi sila nakikita sa hallway. Actually, dalawa ang conference room ng kompanya niya, under renovation lang ang isa.

Saktong pagbaba ng mga blinds ay narinig niyang bumukas ang pintuan kaya agad siyang lumingon pero ganoon na lamang ang pagtahip ng kanyang dibdib niya ng seryosong mukha ni Isiah ang bumungad sa harap niya.

"Anong ginagawa mo rito Isiah?! Anytime someone will enter this conference room! Get out of here! Baka may makakita pa sayo!" She hissed. Tumatahip ang dibdib niya sa kaba dahil baka kung anong isipin ng mga board members pag nadatnan nila si Isiah.

Hindi siya pinakinggan ni Isiah, sa halip ay inilock ang pintuan at seryoso ang mukhang tinawid ang distansiya nila. Ikinulong ng dalawang kamay nito ang pisngi niya.

Itinulak niya ito pero parang wala man lang dito ang lakas niya. Ni hindi man lang niya ito napaatras kahit isang hakbang man lang.

Pinanlisikan niya ito ng mata saka hinawakan ang dalawang kamay nitong nakahawak sa magkabilaang pisngi niya. "What are you doing here?! What are you trying to do?! Damn it Isiah-"

Agad na nanlaki ang mata niya ng sakupin nito labi niya. He was kissing her roughly, as if he was punishing her and did something bad.

He pulled out the kiss and stared at her intently. May dumikit pang mga mantsa ng lipstick niya sa labi nito. "You're going to pay for hurting me like this Denise." He seriously said.

She stared at him dumbfounded. "Hurting him what?!" She inhaled deeply trying to composed herself. She sarcastically laughed of what he said. "What did you say? Pakiulit nga? Kasi baka nabibingi ako." Aniya at sarkastikong tumawa ulit.

Akmang magsasalita ito ng may kumatok, pagkuwa'y nagsalita sa intercom. Sound proof kasi ang conference room.

"Mam Denise? Nandito na po ang mga board members." It was Alfred.

Nanlaki ang mata niya at natatarantang hinila niya sa dulo ng lamesa si Isiah kung saan ang pwesto niya. Pilit niyang itinutulak ang binata sa ilalim ng lamesa niya.

"Hide!" Tarantang sabi niya kay Isiah. At sa ilang araw na hindi sila nag-usap ng binata ay ngayon niya lang ito ulit nakitang tumawa dahil sa kanya.

"I think I won't fit in there."

"At hindi ka rin pwedeng lumabas dahil magtataka sila!" Inis na itinuro niya ang labi nito na may mantsa ng lipstick. "You have my lipstick in your lips!"

"And I'm sorry love for smudging your lipstick." He whispered and naughtily smirked.

Her eyes widened but it got more widened when Alfred spoke again.

HOT AND COLDWhere stories live. Discover now