PART 15

3.8K 74 11
                                    

Hilong hilo na si Isiah sa dami ng nainom niya pero wala siyang pakialam. Gusto niyang magpakalunod sa alak para pansamantalang makalimutan ang huling pag uusap nila ni Denise pero kahit gaano na karami ang ininom niya ay ni katiting na sinabi ng dalaga sa kanya ay hindi iyon mawaglit waglit sa isip niya. Namamanhid na ang katawan niya, pero mas namamanhid naman ang puso niya. Tatlong araw na kasi simula ng makapag usap sila ni Denise ay hindi na niya tinigilan ang pag inom. Gusto niyang alisin ang sakit na nararamdaman niya pero pucha! Ni hindi man lang nabawasan ang sakit!

At simula ng magkita sila nitong muli ay parang mas tumindi ang pagkamiss niya rito. Lalo na noong natikman niya muli ang labi nito tatlong araw na ang nakararaan. Kung pwede lang ibalik ang nangyari noong nalasing ito, sana binuntis nalang niya ang dalaga para wala na itong kawala sa kanya, lalo pa't hindi niya inaasahan ang resulta ng paliwanag niya sa dalaga.

Iniisip palang niya kung sino ang nobyo nito ay gusto na niya itong patayin sa isip. Hindi pwedeng may nagmamay ari na kay Denise, dahil walang nagmamay-ari rito kundi siya lang!

Aminado naman siyang kasalanan niya ang nangyari sa kanila ni Denise, pero binalikan naman niya ito ah?

Hindi siya nagsabi rito dahil ayaw niyang isama pa ito sa gulo na pinasok niya. Natatakot rin siyang galawin ng pamilya Fowler ang kompanyang pinapatakbo ng dalaga. Di baleng siya nalang ang magdusa, huwag lang ang dalaga. Pero dahil sa desisyon niya, parang mas lumayo pa sa kanya ang Mahal niya.

Sinamaan niya ng tingin ang bestfriend niyang si Lucas na nakamasid sa kanya. Dumalaw ito sa penthouse niya at naabutan siya nitong umiinom. "I told you to look for her. Pero bakit may boyfriend siya?!" Galit na sigaw niya sa matalik na kaibigan. Inis na sinabunutan niya ang sarili. No fucking way! Sa kanya lang si Denise!

Tumungga muna ng alak si Lucas bago ito nagsalita. "Tell that to my spy. Ikaw naman ang nagbabayad dun diba? Sinasabi ko lang sayo ang nirereport niya."

"Sh*t! She said she's in love with her boyfriend! Nakakapucha! Ang sakit! Anong gagawin ko dude?" Desperadong aniya. Ngayon lang siya nakaramdam ng matinding takot na tuluyan ng mawala sa kanya si Denise.

"It's your fault."

"Am I your bestfriend?!"

"You should have been honest with her in the first place, told her everything before leaving the country, but you didn't. She's your girlfriend dude, she has the right to know what's happening in your life. Hindi siya manghuhula para malaman kung bakit mo siya iniwan. You should've atleast give her assurance that you'll come back, nang sa ganun, alam mong may babalikan ka pa. Stupid."

Para siyang sinampal ng ilang beses sa sinabi nito. Masyado ba talaga siyang nagpadalos dalos ng desisyon? Na dapat ba sinabi nalang niya kay Denise ang lahat? Pero natatakot siyang madamay ito sa gulo ng buhay niya.

"You know what? You're lucky." Lucas added. Kitang kita niya sa mata nito ang kalungkutan. "Malapit lang sayo si Denise. Napakadali lang na lapitan siya. You can do whatever you want to do. You have the chance to win her back." He smiled bitterly. "While me? I don't know where to find Sophia. I've searched everywhere. Every fucking country but still no sign of her."

"Hindi mo talaga mahahanap ang taong pinagtataguan ka." Umiling iling pa siya. "It's hard to find someone, but it's even harder to find someone who doesn't want to see your face." He shooked his head. "Love sucks eh?" He added.

Hindi na umimik pa si Lucas kaya muli niyang tinignan ito. Bigla ay nakaramdam na naman siya Ng pagkainis. "Magaling ba talaga yang spy mo ha? Five years ko siyang binabayaran, at sa limang taon na iyon lagi mong sinasabi na walang boyfriend si Denise! Dude! Hindi naman pangit ang Mahal ko para walang umaligid sa kanya na lalaki. Tignan mo, tignan mo, may boyfriend na pala pero hindi ko alam!"

HOT AND COLDWhere stories live. Discover now