Chapter 31

19.6K 479 40
                                    

Kanina pa siya naglalakad at nararamdaman na niya ang pagod. But she needed to keep going. Kailangang makalayo na siya bago pa madiskubreng tumakas siya.

Mataas na ang sikat ng araw. She was just thankful that the heat of the sun wasn't as scorching hot like in the Philippines. Mainit pero hindi humid. But she was already thirsty.

She didn't know where the hell she was now. Nandoon pa rin yata siya sa gitna ng ubasan. Mga ubas pa rin kasi ang nakapaligid sa kanya.

Nang hindi na niya matiis ang pagod at uhaw ay tumigil siya. Habang nagpapahinga ay pumitas siya ng mga ubas at kumain. The fresh grape fruits filled her stomach and alleviated her thirst.

She didn't linger taking a rest. She had to carry on walking. Kaya ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Maya-maya pa ay nakarinig siya ng tunog nang papalapit na sasakyan. Noon niya napansing malapit na siya sa daan.

Nagkukumahog na naglakad siya patungo sa daan. She saw a car running on the road. It was approaching in her direction.

Nagdalawang-isip siya kung magpapakita at paparahin ang sasakyan. She wasn't sure about the driver. Civilian ba ito? Miyembro ng sindikato?

Nanlalambot na ang tuhod niya sa pagod. Ang layo na ng kanyang nalakad. Baka naman main highway na itong kinaroroonan niya at mga civilian na ang nasa paligid.

Hindi siya pumagitna sa kalsada. Nanatili siya sa gilid lamang.

The car passed by her. But it stopped in a distance. Pagkatapos ay umatras pabalik sa kanya.

Her heart raced inside her chest. Kinakabahan siya. The car stopped by her side. Bumukas ang pinto ng kotse at iniluwa ang mukha ng isang lalaki. The man eyed her with interest. Then, his eyes sparked.

At ganoon na lamang ang takot na sumalakay sa kanyang kaibuturan. She knew a devil when she sees one. And the man who was looking at her as if he saw a prized possession was danger in capital letters. Ganito rin ang naramdaman niya noon nang ma-kidnap siya sa Malaysia!

Napaatras siya. When he opened the door of his car, kumaripas siya ng takbo pabalik sa ubasan. She needed to run. But the man chased after her.

Mas lalo niyang binilisan ang pagtakbo. She stumbled upon the rows of grapes, but she kept running.

Pero naabutan siya ng lalaki. Nang hablutin siya nito ay nanlaban siya. But he was able to pin her down. Isa pa ay pagod na siya at hapong-hapo sa pagtakbo.

The man was able to secure her hands using his tie. Nagsisigaw siya. Pero binusalan nito ang kanyang bunganga gamit ang isang panyo. With horror in her eyes, she watched him as he tied her legs with the grape vines.

In a few moments, she was helpless as she lay on the ground, completely under the mercy of the new abductor who saw her on the road. It was like a deja vu. What happened to her in Malaysia was happening to her again in Italy. She fell in the hands of a devil again!

Ngumisi ang lalaki na tila tuwang-tuwa habang pinagmamasdan siya. "Bellissima!" he murmured. When he picked her up and slammed her on his shoulders, carrying her as if she was a sack of rice, she could do nothing but wriggle her body in frustration.

He carried her back to his car. Isinalampak siya nito sa driver's seat. She tried to break free, but her hands were tied securely. Gusto niyang magsisigaw at pagmumurahin ang lalaking dumukot sa kanya, pero nakabusal ang bibig niya.

Oh my God! She groaned in frustration and horror. Ano na naman itong nasadlakan niya?

She shut her eyes hard.

Would she be stuck in hell again? God! She had suffered too much already.

Lumigid sa driver's seat ang lalaki at kaagad na pinaandar ang sasakyan. He looked excited and ecstatic. Samantalang siya ay gusto nang panghinaan ng loob.

He turned the car back to where he came from a while ago. At habang tumatakbo palayo ang sasakyan ay puno ng takot at pangamba ang kanyang damdamin.

What kind of hell was waiting for her this time around? Tuluyan na nga ba siyang mapapahamak? Her eyes pricked, and a tear rolled to her cheek.

How stupid was she for running away? She didn't know if she got caught. Kung tauhan ni Kent ang taong nakakita at dumukot sa kanya ay muli lamang siyang ibabalik sa lalaki.

Pero paano kung hindi? Paano kung miyembro ito ng ibang sindikato? Paano kung gagawan siya nito nang masama?

Oh, God! But her head wanted to explode in worry, in anger, in frustration, and in fear.

Napahikbi na lamang si Miranda.

Kent Antonio Ferrero: Enslave (A The Mark Of A Stallion Novel) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon