My Imaginary Boyfriend

361 1 0
                                    

"MY IMAGINARY BOYFRIEND"

Ako'y tumatakbong papalapit sayo

Nang tayo'y magkita pagkatapos ng isang linggo...

Tayo'y nagyakapan ng mahigpit

At ako'y binuhat mo at umikot ng mabilis...

Tayo'y naghalakhakan ng walang hanggan

Mga mata nati'y nagtama at kaluluwa mo'y aking nakikita.

Pag-ibig ang sa puso mo'y laman

Ngunit may nakikita akong harang...

"Mahal na mahal kita." ang aking naituran...

Ngunit sayo'y walang narinig na kasagutan...

Tumibok ng malakas ang aking puso

At di ko alam ang gagawin sa mga titig mong nakakapaso...

Unti-unting nagkalapit ang ating mga pisngi,

At di napigilang maglapat ang ating mga labi...

Ako'y napapikit at ninamnam ang halik mong kay tamis...

At walang sawang pinaglakbay ang aking isip.

Ngiti ko'y hanggang tainga ng sinabi mong "Mahal din kita"

Ngunit sa harap ko'y bigla ka na lang nawala

"Anak, mali-late ka na." ako'y biglang napamulat ng si Ina ang kaharap,

Isang panaginip lang pala ang lahat.

Gabi-gabi kang laman ng aking panaginip

At isip ko'y ginulo mo nang labis

Sana totoo na lang ang lahat

Nang Pag-ibig ko'y maialay sayo ng buong tapat...

Pinilit kong sa isip ko ika'y alisin...

Para sa pagtulog ako'y maging mahimbing

Mga alaala mo'y akin ng ililibing...

"Paalam, Mahal kong boyfriend." Sa panaginip ako na ay nagising...

~Sonia

MGA TULA-KWENTO NG BUHAY AT PAG-IBIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon