Dakilang Ina

4.8K 9 0
                                    

"DAKILANG INA"

Pagmamahal mo'y walang kapantay, 

Isinakripisyo mo ang sariling kaligayan para anak ay mabuhay. 

Ipinalaki mo sila kahit ikaw ay nag-iisa 

Mahirap man pero iyong kinaya!

Naaalala pa ang minsang tanong ng iyong anak, "Ma, nasaan si Papa?"  

Hinahanap ang kanilang ama na kabiyak mo sana. 

"Nalunod sa sabaw, anak." Ang tanging sagot mo dito dahil di mo alam paano ipapaliwanag kung saan ang ama nito.

Natulala ang anak sa sagot mo at nakatitig ito sa sabaw sa harap mo. 

Sa murang isip niya ay maraming katanungan, paano nga ba nalunod ang ama sa sabaw? 

"Anak, maiintindihan mo rin pagdating ng araw." Ang tanging sabi mo dito.

Nang lumaki na ang iyong anak, 

Kapag umuuwi ito galing paaralan ay laging umiiyak.. 

Dahil siya daw ay putok sa buho kundi man ay galing sa kawayang biyak!

Nasasaktan ka sa nangyayari at kahit anong paliwanag mo sa kanya ay wala ng silbi, 

Dahil siya ay may utak na at nakakaintindi. 

Hinahanap na ang kalinga ng ama, 

Dahil na rin naiinggit sa mga kaklase't kalaro nilang hatid-sundo ng ama at kalaro pa nila.

Sinubukan mong humanap ng kapalit sa iyong puso; 

At makahanap ng taong magiging ama ng iyong mga anak. 

Ngunit ikaw ay laging bigo, 

Dahil ikaw ay may anak na at di kayo matanggap ng buong- buo.

Kinalimutan na ang sariling puso at sarili mo ay sa mga anak mo na lamang isinuko. 

At ipinangakong, "Gagawin ko ang lahat para sa inyo mga anak." 

At humingi na rin ng tawad dahil sa amang di mahagilap. 

Na ang totoo'y nasa ibang kandungan at nagpapakasarap...

Umalis ka ng bansa para sa maayos na kinabukasan nila. 

Mahirap man pero kailangan dahil sa Pilipinas 50-50 ang pag-abot sa ating mga pangarap. 

Sa bawat minuto at oras na ika'y nawalay, 

Wala kang ibang kasama kundi ang mga luha at larawan nila.

Masaklap, mahirap kung ang pamilya ay magkawatak-watak; 

Ngunit dahil sa ito lamang ay pagsubok, kailangan nating magpakatatag. 

Lalo na sa isang ina na walang katulad. 

Kakayanin ang lahat kahit ang puso ay naghihirap.

Dakila kang ina sa iyong anak, 

dahil sa puso mong napaka-busilak. 

Ang pagmamahal mo ay di mapapantayan ng pilak 

Kaya sa puso ng iyong mga anak, IKAW ang kanilang natatanging ilaw sa pagharap sa mapanghamong buhay!

SALAMAT INAY!

*A/N: Dedicated to ALL SINGLE MOTHERS! SALUDO AKO SA INYO!*

****************************

MGA TULA-KWENTO NG BUHAY AT PAG-IBIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon