One More Chance

382 3 0
                                    

"ONE MORE CHANCE"

Unang pag-ibig ko'y bigo,

Nang di sinasadyang kami'y magkalayo dahil sa aksidenteng di inaasahan.

Kinuha siya ng maykapal at ako'y tuluyan niyang iniwan.

Mundo ko'y gumuho...

At sa puso'y ipinangako...

Pag-ibig niya'y pakaiingatan

Hanggang sa dulo nang walang hanggan...

Makalipas ang ilang taon, ako'y nakabangon.

Pilit kong kinalimutan ang kahapon;

Ngunit ako'y bigo dahil nakaukit na siya sa aking puso...

Sinikap kong makawala sa kanyang alaala, sa pamamagitan nang paghanap ng iba.

Ibinaling ang pagtingin sa masasayang bagay..

At binigyan ang sarili ng ONE MORE CHANCE pa.

Siya'y nakilala at binigyan ako nang kakaibang sigla't saya.

Sa bawat minutong siya'y nakakausap, tibok ng puso ko ay lumalakas.

At kung makangiti ay wagas...

Ngunit siya ay nag-iba, pagmamahal na inalay ay naging matamlay na.

At di ko alam kung ito pa ba ay tunay;

At di ko mawari kung saan ako nagkamali.

Pag-ibig ko'y handang ialay panghabambuhay;

Ngunit ito'y naging mailap at lalong naging masaklap.

Sa buhay ko ngayon siya'y isang Hudas Barabas na nagwasak sa aking pusong binigyan ko ng ONE MORE CHANCE...

~Sonia

MGA TULA-KWENTO NG BUHAY AT PAG-IBIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon