CH. 4

299 31 5
                                    

Saturday ngayon, I'm bored to death. Sinubukan kong ayain sina Jonah, Isabel at Amaya para maglakwatsa kaso lahat sila busy. I was thinking if I'm gonna text Ian, ayain ko kaya yun kaso baka busy din sa mga babae niya.

Wala akong ginawa kundi tumitig sa kisame. Wala kasi akong maisip na gawin yung mga kapatid ko naman busy sa pag-aaral. Haysss. What to do!

Biglang nagring yung phone ko. Kinuha ko ito at sinagot without looking the screen.

"Yes, Hello?"

"Babe!" Gulat akong napaupo sa kama ko. Ehh kasi naman kanina gusto ko siyang tawagan. Nakaramdam siguro.

"Oh! Ian kaw pala. Bakit?"

"I'm just checking you out" napasmile naman ako dun.

"Ahh..ganun ba. So ano palang pinagkakaabalahan mo ngayon?"

"I'm just thinking about you"

"Sus! Binola mo pa ako. Anyway, are you free today?"

"Yea. Why?"

"Hmm.. Gusto ko sanang lumabas. Bored na bored na kasi ako dito sa bahay"

"Ok. Sunduin kita. Paalis na ko ng bahay"

"H-huh? Ano?" on the go ba siya lagi?

"Saan nga pala bahay niyo? hehe"

"Seryoso ka ba? Hennan Village, Almonte street #11"

"Yep. I'll call you later magdridrive lang ako"

Magdridrive? So may kotse din pala siya. Brat din pala tong lalaking to.

Few minutes later, binuksan ni mama ang gate at pinatuloy si Ian sa loob ng bahay.

"Abby, may bisita ka"

"Opo ma, bababa na" sigaw ko, She can hear me kasi nakabukas yung pinto dito sa kwarto ko.

Pagbaba ko nakita ko siyang nanonood sa TV. Tumabi ako sakanya.

"So, saan tayo pupunta?" I asked.

"Ikaw saan mo ba gustong pumunta"

"Hmm."

Di ako makapag isip kung saan kami pupunta. Ayoko naman sa mall kasi baka may makakita pa samin na taga school. I have to think something unique yun bang di pa namin napupuntahan ni Mond para at least makalimutan ko na siya ng tuluyan.

Two Hearts, Beat As OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon