CH. 2

305 34 5
                                    

ABBY's POV

Ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon. Parang gusto kong bawiin ang mga sinabi ko kanina. I want him back. Pero alam kong galit na galit na yon sakin.

Si Raymond Fajardo o "Mond" for short ang kauna-unahang naging boyfriend ko. Alam ko na nababaero siya unang araw palang namin na magnobyo at nobya pero dahil sa lintik na pagmamahal na yan tiniis ko ang lahat ng sakit para sakanya. Mayaman sila and actually they owned the school kung saan ako pumapasok ngayon. Gwapo, matangkad, sexy ang katawan kasi lagi siyang nagwoworkout. Habulin siya ng mga babae. Sabi nga nila na sakanya na ang lahat. 

Before ko pinasok ang relayon na yun, we discussed everything like yung pagiging babaero niya. SInabi niya yun sakin na hindi niya maipra-promise na ako lang ang magiging babae niya. Sa katangahan ko sa pagmamahal hinayaan ko naman mangyari yun.

"Anak, Baba ka na kakain na tayo" Tawag sakin ng mom ko.

"Yes ma, in 5 mintues" 

Suportado ang mama at papa ko sa pagkakaroon ko ng boyfriend. Hindi nila ako pinagbabawalan pero kelangan kong sundin ang curfew. 

Tumungo ako sa dining room at nakita kong nakaready na ang lahat para kumain. Ako nalang pala ang hinihintay.

Before kami kumain nagpray muna si papa.

"Anak bakit ganyan ang mukha mo, para kang namatayan ng pusa" ani ni mama.

"Wala lang to, pagod lang po ako"

"Kumusta naman kayo ni Mond" sabi ni Kuya habang kumukha ng kanin.

"H-huh?"

"Is there something wrong with your relationship?" tanong ulit nito.

"Hmm. actually w-we.. broke up an hour ago" Lahat sila nakatitig sakin. What's wrong with them. Ibinaling ko nalang ang atensyon sa pagkuha ng mga pagkain hanggang sa di ko na namalayan ang dami ko na pala nailagay sa pinggan ko.

"May balak ka bang magpataba anak? Baka mamaya isuka mo lang lahat ng yan" Sabi ni papa.

"Kaya ko to pa, minsan lang naman" tumango-tango nalang ito. Alam kong naiintindihan nila ako. Nagmukha tuloy akong pasyente sakanila.

My dad is a doctor, my mom is a house wife, my brother is a nurse and my sister is still in college taking up pharmacy. May bunso pa kong kapatid si Kevin 8 years old palang. Ako naman 4th year High school na.

"How about you Aaliyah kumusta naman ang studies mo, do you have any problems?" tanong ni papa sa sister ko.

"wala naman po pa, Lagi nga po akong naghihighest sa quiz and major exams ko"

Two Hearts, Beat As OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon