CH. 1

490 47 14
                                    

Narrator's POV

It's warm and a sunny morning..

Maraming estudyante halos mapuno na ang Fajardo High School dahil ngayon ang simula ng Interhigh school event o kung tawagin ng iba ay sports festival kung saan maglalaban laban ang mga private schools.

Busy ang lahat sa panonood ng naturang event. Pero si Abigail seryosong nakaupo sa isang sulok na para bang di maipinta ang mukha sa nakikita niya, magkasama ang kanyang boyfriend at ang isa pa nitong girlfriend. Gusto man niyang sugurin ito kaso hindi niya kayang tumayo para bang wala siyang lakas, mahal na mahal niya kasi ang kanyang boyfriend.

Wala na siyang ibang maisip kundi takpan nalang ang mukha niya gamit ang kanyang dalawang palad. Meanwhile..

"Abby, ikaw ba yan?" tanong ng isang pamilyar na boses.

Tinanggal niya ang mga palad mula sa mukha niya at sinilip niya ito.

"Ohh? Akala ko nanood kayo ng basketball, tapos na ba?" ani nito sa kaibigan.

"Hindi pa, hinahanap ka namin dito lang pala kita matatatagpuan"

Hindi na muling nakapagsalita ang dalaga.

"Tara pasok nalang tayo sa badminton court" aya ng kaibigan niya.

Tumayo naman siya at lumakad na papasok. Malaki kasi ang eskwelahan ng Fajardo High School kaya laging sa eskwelahan na ito ginaganap ang mga malalaking events.

Umupo siya sa may bakanteng upuan, malalim pa rin ang iniisip nito. May nakatabi siyang dalawang lalaki na halos kasing edad lang niya.

"Miss, pwede ko bang makuha number mo?" ani ng katabi nitong lalaki. Halos 6 footer ang tangkad nito na kahit nakaupo lamang ay mahahalata mong long-legged na siya. Maaliwalas ang mukha, matangos ang ilong, maganda ang pakakaporma ng labi at pinkish ang kulay nito.

Inirapan lang niya ang lalaki. Muling nagsalita ang lalaki, na parang walang nagbago sa tanong nito. Naiinis siya sa kakulitan nito at parang wala siya sa sarili ng hablutin nito ang hawak-hawak na cellphone at inilagay doon ang number niya.

"Thank you" sabi ng lalaki.

Sanay na siyang may humihingi ng number niya, kilala kasi siya eskwelahang ito, hindi naman siya ang pinakamagaling sa klase, hindi din siya ang pinakamaganda, pero isa siya sa magagandang babae sa eskwelahang ito, simple lang kasi siya wala siyang kaarte-arte sa katawan. Nasa Top 10 naman siya minsan nagiging Top 15 dahil sa mga extra curicular na sinasalihan niya. Magaling siyang sumayaw halos araw-araw ay naexexcuse siya sa klase kaya bumababa ang mga grades nito.

"Hindi ka ba nagugutom?" Tanong ng kaibigan nito.

"Mejo gutom na nga ako" sabay haplos niya sa tiyan.

Tumayo na ang magkaibigan at tumungo sa Canteen. Umupo sila sa pang apatan na mesa.

"Text ko muna sina Isabel at Jonah para sabay-sabay na tayong kumain"

Apat silang magkakaibigan, si Amaya na kasalukuyang kasama ni abby ang pinakamatalino sakanilang apalt maganda rin ito.

"Amaya, ako na magoorder ng kakainin natin. Ano bang gusto mo?"

"Hmmm..Spag nalang"

"SIge. Yun nalang din sakin, anything else?"

"Pizza if you want"

Tumango-tango naman ito. Akmang tatayo na sana ito ng magsalita ulit ang kanyang kaibigan.

"Manlilibre ka ba?"

Two Hearts, Beat As OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon