EPILOGUE

171 53 11
                                    

Nathan's POV

It's been months since she left and here I am longing for her presence. Kamusta na kaya siya? Nakayanan niya kaya? Magaling na kaya siya? Kailan ba siya babalik? She promised me that she'll be back, and I'm holding on to that promise.

Kating kati na akong matapos tong klase namin para makabalik na ako ng hospital. Kamusta na kaya siya? Gising na ba ulit siya? Sana pagdating ko gising siya. Gusto ko na ulit marinig ang mataray niyang boses. Lord please, tulungan mo siyang gumaling.

Dali dali akong bumalik ng hospital ng matapos ang klase namin. Halos takbohin ko na ang daan papunta sa room niya. Ewan ko na bakit ako kinakabahan. Bakit parang may masamang mangyayari?

Pag bukas ko ng pinto nagulat ako ng wala akong maabutan sa kwarto. Dali dali akong pumunta sa nurse station para tanongin kung nasan si Celestine.

"Nurse, asan na yung pasyente sa room 112?" Tanong sa nurse na naka assign kay Tine.

"Ah sir na discharge na po," nagulat ako sa sinabi niya. Okay na ba siya? Bakit ambilis niya ma discharge?

"May iniwan nga po palang sulat para sainyo, ibigay ko daw po kapag pumunta kayo." Inabot niya sakin ang sobreng may lamang sulat. Dahan dahan ko namang inabot yun nanginginig pa ang kamay ko sa kaba.

"Hi, Nathan. Alam ko na sa oras na mabasa mo to nakaalis na ako. Please don't be mad at me for not letting you know about my plan. I decided to take the transplant sa ibang bansa. Di ko sinabi sayo ang plano ko kasi alam kong magpupumilit kang sumama. Promise me na mag aaral kang mabuti, na di mo pababayaan ang pagaaral mo. Gusto ko sa pagbalik ko may magandang balita kang ibubungad sakin. Di ko alam kung kailan ang balik ko pero isa lang ang alam ko, babalik ako para sayo. Sana mahintay mo pa rin ako. Alam mo bang wala na akong plano noon na mag take ng operation? Pero ng makilala kita ng bago ang desisyon ko. Ikaw yung naging dahilan para lumaban ako at magpatuloy sa buhay. Kahit labing limang araw lang kitang nakasama masaya akong nakita ulit kita. Thank you for showing up again in my life. Thank you for staying kahit nung nasa hospital pa ako. Kung sakali mang makahanap ka ng iba sa gitna ng paghihitay mo sakin, ayos lang. Gusto ko lang maging masaya ka. Take care of your self . I promise to comeback for you, I promise to fight this battle for you. Until we meet again."

                           –Celestine

Tuluyan akong nanlumo ng mabasa ang sulat. Dali dali kong tinawagan ang number niya pero di siya ma contact. I try her mom's phone but she didn't answer as well. Kahit si tito di rin sinasagot, ganun din si Kuya Christian at Ate Alex.

Mabilis kong tinakbo ang daan palabas at tinungo ang daan papunta sa bahay nila. Di mo ako pwedeng iwan nalang basta Tine.

Pero huli na ng makarating ako. Nakaalis na sila. Napaupo ako sa gilid ng kalsada at napaiyak na lang.

Wala akong galit sakanya masaya pa nga ako, na ako ang naging dahilan ng pagpapagamot niya. Gusto niyang gumaling dahil sakin. And she promised to comeback for me. Sapat ng rason yun para hintayin ko siya.

Nagising ako sa matinding pag iisip ng biglang may kumatok sa condo. Sino naman kaya ang istorbong to?!

Naiinis na binuksan ko ang pinto para salubungin kung sino man ang pesteng kanina pa katok ng katok. Kumunot ang noo ko ng mapagbuksan kung sino ang nasa labas ng condo ko.

"Anong ginagawa mo dito?!" Wala bang kadala dala ang babaeng to? Ilang beses ko ba siyang ipagtatabuyan para lubayan na niya ako?

"Visiting my fiance, I guess?" Fiance my ass. Mamamatay muna ako bago ko siya pakasalan. Baliw na ang babaeng to.

15 DAYS WITH YOU [Completed]Where stories live. Discover now