1 - KLEIN

9K 252 61
                                    

Klein Czenith Enriquez

"Aba, ang galing! Napasama ang anak ko sa commercial!" tuwang tuwa na sabi ni Mama at tinuro pa ang TV.

Natawa ako sa sinabi ni Mama. Backup dancer lang naman ako sa commercial na 'yon at halos hindi pansin pero tuwang tuwa siya na para bang ako ang bida sa commercial.

"Hindi nga siya masyadong kita, e," sabi naman ni Ate Klea saka natawa rin.

"Sinabi ko na sa 'yo na wala kang mapapala sa paglabas labas mo sa TV. Puro haters lang ang nakukuha mo at kakarampot na pera," masungit na sabi ni Papa saka napaismid.

Kahit na nasaktan ako sa sinabi ni Papa, nagawa ko pa ring ngumiti at pilit na pasiglahin ang boses ko.

"Papa... 'yung kakarampot po na perang 'yon eh nakakatulong naman sa pag-aaral ni Ate Klea. Malapit na matapos ang residency training n'ya. Konting konti na lang talaga, kapag ganap ng doktor si Ate Klea... hindi na ako lalabas sa TV," nakangiting sabi ko saka napapalakpak.

Napapalakpak din sina Ate at Mama saka yumakap sa 'kin. Ngumiti ako nang matamis saka dinampian ng halik ang sentido nina Mama at Ate Klea.

"Huy, Klein... Pasensya na dahil ako ang ate tapos ikaw pa ang nasustento sa pag-aaral ko," sabi ni Ate Klea saka napabuntonghininga.

"Ano ka ba naman, Ate? Ikaw ang matalino at siguradong may future kaya ikaw muna ang sinusuportahan ko. Saka wala namang kaso sa 'kin diba kahit hindi muna 'ko nag-aaral? Ilang beses ko ng sinasabi sa 'yo, doktora. Tigas ng ulo mo," pabirong sabi ko saka binatukan siya.

Napangiti si Ate saka mas hinigpitan ang yakap sa akin. "H'wag kang mag-alala, kapag natapos na ako... ikaw naman ang pag-aaralin ko. Kahit saang school mo gusto, kahit sa pinakamamahaling school at kahit ano pang kurso ang gusto mo... susuportahan kita."

"Siyempre kasali ako. Susuportahan ko ang baby kong 'to kahit anong mangyari," sabi naman ni Mama saka niyakap kaming dalawa ni Ate Klea.

Nagyakapan kaming mag-iina habang si Papa ay napapailing na lang at tumuloy sa pagkain.

"Pero, Ate... late ka na yata?" nakangising tanong ko. 

Nanlaki ang mga mata ni Ate Klea saka agad na kumalas sa pagkakayakap sa amin. Dali dali siyang tumayo at tumakbo papuntang kwarto n'ya para mag-ayos. Saglit lang ay lumabas na siya na may dalang bag at coat. Humalik siya sa pisngi namin bago siya tuluyang umalis. 

"Mama, alis na rin po ako ha. Magsisimula na po ang shooting ko maya-maya," sabi ko saka humalik sa pisngi ni Mama.

"Kaya mo 'yan, anak ko. Kahit ano pang sabihin ng ibang tao sa 'yo, tandaan mo lang na alam mo sa sarili mo at alam namin na mali ang lahat ng sinasabi nila sa 'yo. Sobrang bait mo, anak. Iyon ang totoo," nakangiting sabi ni Mama saka hinaplos ang pisngi ko. 

"Opo, Mama. Saka alam n'yo naman po kung gaano kalakas itong anak n'yo. Hindi po talaga ako nagpapadala sa mga sinasabi ng mga tao. Ang habol ko lang po ay kumita para matulungan kayo at si ate." Ngumiti ako nang matamis sa kan'ya. 

"Pasensya na, anak. Paensya na kung kailangan mo pang gawin 'to dahil lang sa amin. Pasensya na kung hindi namin kayo nabigyan ng magandang buhay ng ate mo," hinging paumanhin ni Mama saka hinawakan ang kamay ko. 

Napailing ako. "Mama, ilang beses ko na pong sinasabi sa inyo na wala po kayong dapat ihingi ng tawad sa amin ni Ate Klea dahil lang diyan. Sa katotohanan pa lang na kayo ang mga magulang namin, panalong panalo na po kami," saad ko saka nag-thumbs up kay Mama.

Napangiti si Mama saka muli akong niyakap. Matagal pa kaming naglambingan bago ako tuluyang nakaalis ng bahay.

"Ano ba, girl? Naloka ako sa sobrang tagal mo," reklamo ni Alice habang naglalagay ng lipstick. Nakaupo siya sa tambayan sa labas ng bahay namin at may bitbit na mga bag. Malamang gagamitin ko ang mga 'yon para sa mga shooting ko mamaya. 

Behind the LightsWhere stories live. Discover now