3 - KLEIN

3.6K 169 73
                                    

"Umupo ka, Klein," sabi ni Sir Cassian saka itinuro ang pwesto sa tabi ni Castor.

Napalunok ako at kinakabahang tumingin kay Castor. Hindi naman siya nagsalita at pumikit na lang saka isinandal ang likod sa backrest ng couch. Kahit kinakabahan ako sa presensya n'ya ngayon, umupo na lang ako sa tabi n'ya. Medyo malayo ako ng ilang dipa sa kan'ya... Mukhang hindi maganda ang mood n'ya dahil sa issue namin. Galit ba siya sa akin?

"Klein, ano ba ang pumasok sa isip mo at in-upload mo sa social media ang picture n'yo ni Castor?" tanong ni Sir Cassian saka tumayo at lumapit sa amin ni Castor.

Napatungo ako at napahawak nang mahigpit sa laylayan ng damit ko. "H-Hindi ko po sinasadya, Sir Cassian. Hindi ko po alam na sa public twitter account ko nai-post ang picture. Sorry po talaga. Hindi ko po talaga sinasadya," hinging paumanhin ko.

Saglit na natahimik si Sir Cassian. Napabuntonghininga siya saka napahawak sa sentido n'ya. Umupo siya sa tapat namin saka napapikit at tila nag-iisip.

"Bakit ba kasi kasama mo si Castor?" tanong pa ni Sir Cassian.

Napalunok ako at pasimpleng tumingin kay Castor. Wala pa rin siyang reaksyon o sinasabi. Nanatili siyang nakapikit na tila ba nakikinig lang siya sa usapan namin... Okay lang ba kung sasabihin ko kay Sir Cassian ang nangyari sa kan'ya kagabi?

"A-Ano po kasi... lasing po si Sir Castor kagabi. Baka po kasi may makakita o makadampot pa sa kan'yang iba kaya po dinala ko na lang siya sa apartment ko. Tinawagan ko rin po kayo kagabi pero hindi po kayo nasagot," nakatungong sabi ko habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.

Napabuga ng hangin si Cassian. Muli siyang natahimik at tila inaanalisa ang dapat n'yang gawin. Seryosong tumingin siya sa akin. Muli akong napalunok habang hinihintay ang sasabihin n'ya... Tatanggalin n'ya na ba ako rito sa agency?

"Klein, alam mo kung gaano kahalaga si Castor sa kompanya ko. Lahat ng kalat n'yan, nililinis ko. Dahil hangga't maaari, ayokong nababahiran ng dumi ang pangalan n'ya o nasisira ang reputasyon n'ya sa mga tao. Naiintindihan mo naman yata ang ibig kong sabihin diba?" tanong ni Sir Cassian. 

Hindi ako nakapagsalita at nanatiling nakatngin sa kan'ya. "A-Ano po ang ibig n'yong sabihin, Sir?" tanong ko.

"I will make a statement regarding this issue but I want you to do it too. I-announce mo sa social media na humihingi ka ng tawad kay Castor dahil basta ka na lang kumuha ng picture kasama siya nang walang permiso. Sabihin mo rin sa post na pagod na pagod galing sa shoot si Castor sa picture. Nagkataon lang na nakita mo siyang natutulog sa dressing room at kumuha ng picture na walang paalam n'ya. H'wag mong babanggitin na lasing si Castor at nadampot mo lang kung saan," sabi ni Sir Cassian habang nakatitig sa akin.

Natigilan ako nang mapagtanto ang sinabi n'ya. "B-Bakit po? Masama na po ba agad si Sir Castor sa mata ng mga tao dahil lang nalasing siya?" bulong ko.

"Not really, Klein. But you're aware, right? I'm sorry if this will sound rude but you have nothing to lose... but Castor is a different case. Hindi dapat magkaroon nang kahit gano'ng kaliit na issue si Castor. He's almost perfect. Hindi dapat mabahiran ang image n'ya nang gano'n. But don't worry, Klein. I will pay you for it and I will give you a role in a big project. Just do what I told you and we're good. Magbe-benefit ka rin naman. What do you think?" tanong ni Sir Cassian.

Napakagat ako sa ibabang labi ko saka tumango. "S-Sige po, Sir Cassian. Marami na rin naman po akong basher bago pa mangyari 'to saka mas mahalaga po sa akin ang pera kaysa sa reputasyon ko. Kasalanan ko rin naman po na nangyari 'to," sabi ko na lang saka pasimpleng tumingin kay Castor.  Wala pa rin siyang reaksyon na para bang hindi siya interesado sa pinag-uusapan namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon