Chapter 13 - Good Friend

1.4K 78 17
                                    

CHAPTER 13

Good Friend


Dashiell's POV


I paused for a second as I stare at my room. To be honest, I still hate staying here. Charmaine and I used to spend most of our time together in my bed, just chatting with each other or cuddling.

Hindi kasi gala na tao si Charmaine. She prefers indoor dates than going out. Mas masaya siya tuwing nandito kami sa bahay o 'di kaya sa bahay niya.

I closed the door behind me and placed the carton box I'm holding at the side. Sinimulan ko ng kunin ang mga gamit niya na naiwan niya dito. A lot of people didn't know but we're like living together already. Madalas ay dito siya natutulog, naliligo at kumakain. Lalo na kapag out of town ang parents ko, walang uwian 'yon. Of course we hid it from my parents. Madali lang naman lalo na kung naka-lock palagi ang kwarto. Hindi rin naman nagsasalita ang mga maids namin kaya safe.

Pumasok ako sa CR at nilagay sa plastic ang shampoo, bagong biling body wash, suklay at maski ang blower niya. Pagkatapos ay bumalik uli ako sa kwarto ko. I picked some of my sweaters that she always wear and put it on the box. May mga heels pa siya dito na hindi na niya nakuha pa.

On my side table are some of her make-ups. May lipstick at kung ano-ano pa. Naalala ko tuloy tuwing naglalambing ako sa kanya at busy siya sa pagaayos.


"Bakit nagkikilay ka pa? Maganda ka na kahit wala kang-make up," sambit ko habang nagsusuot ng T-shirt.

Charmaine smiled and winked at me. "Para mas ma-in love ka pa lalo sa'kin."


I stood in front of her and she giggled when she looked up to meet my eyes.

"What are you doing?"

"Tingin mo hindi pa 'ko hulog na hulog sa'yo?" Niyakap ko siya at pinaulanan ng mga halik sa leeg. She squealed but stopped immediately, in case my parents hear us. We're both not sure if my Dad and Mom went home last night.


"You know what I love about you staying here? I get to see you all the time. Mula paggising ko hanggang sa pagtulog, ikaw ang nakikita ko."


I honestly thought those moments will never change. Sinanay ko ang sarili kong palagi siyang nandiyan kaya sobrang sakit nung naghiwalay kami. Imagining her saying those words to that new guy pains me.


Huminga ako ng malalim at dinampot na ang mga gamit niya.

Then I looked around to check if I forgot anything. Mukhang wala naman na.

Lalabas na sana ako nang maaninag ng mata ko ang kulay beige na hoodie ni Charmaine. Nakasabit pa iyon sa upuan doon sa gilid. Lumapit ako at kusa na lang tumulo ang luha sa mga mata ko.


I sat down and smelled the last piece of cloth she wore on her last night here.

Napahagulgol na lang ako habang tinatanggap sa sarili kong hindi ko na siya ulit mahahagkan.


Iris' POV


"Sure ka ba? Wag na lang kaya? Nakakahiya naman sa'yo. Let's just go. This is stupid."

I rolled my eyes at Dash and unbuckled my seatbelt. "Nandito na tayo, ano ka ba. Tsaka iaabot ko lang naman. Ikaw ang matanong ko. Sure ka bang ayaw mong sumama sa loob para makapagusap kayo?"

He looked at the front door of Charmaine's house and frowned. "Wala naman na kaming dapat pagusapan."

"Pero nami-miss mo na siya 'di ba?"

Torn in Two (Elite Girls 2)Where stories live. Discover now