18

508 17 2
                                    

"Hoy nasaan kana?! Hoy babae ka! Lumabas ka dyan!"



Simula nang makarating kami sa Osaka Japan, wala na akong ibang inisip kung hindi magpabook ng kwarto dahil hindi ko na matanggal sa isip ko ang sinabi ni Syeb nung flight. Namumula ang pisngi ko at pakiramdam ko naloloka ang isip ko.



Katabi ko ang room ng mag asawa at humiwalay ako, masagwa naman kung may mag asawa tapos sipsip o thirdwheel ang bestfriend. Binigyan ko sila ng privacy at mag asawa sila. Baka maloka pa ako sa mga mangyari.



Hindi tumitigil sa pangangatok ang babaeng Aira at kulang nalang, masira niya ang pintuan sa Rihga Royal Hotel sa Osaka Japan.



Maganda ang hotel at may pool din. Mamahlin at malalaki ang kwarto pero parang barya lang ito sa asawa ni Kaisel. Ako sana mag babayad ng room pero tumanggi si Kaisel at siya na raw. Inasar pa ni Aira na nagshoshow off daw ng pera ang asawa niya.



"Ano ba yan! Bakit?!" Inis na sabi ko nang buksan ang pintuan.



Gabi na iyon at naka denim shorts ako at white t-shirt.



"Tanga to!" Tinuro niya ang mukha ko. "Ano bang tinatago tago mo diyan? Dinner na oh! Kain tayo sa baba! Andun ang mga members daw ng Cebu Pacific Airlines!" Natutuwang sabi niya.



"Huh?! Hindi! Busog ako! Bumili ako ng ramen kanina!" Pagpapalusot ko. Mas lalo akong nadagdagan ng rason bakit hindi ako pupunta sa baba at andun si Syeb.



Anong taken?! Wala ngang jowa, taken pa? Ilusyonado!



"Ano ba tinatago mo?! May lalaki ka noh!" Pangbibintang ni Aira at sumingiit ang mata.



"Ano, wala! Wala ngang jowa tapos mag kakalalaki pa sa kwarto!" Depensa ko.



Sa totoo lang, wala naman akong plano mag travel. Tinatamad pa ako at gusto ko sa bahay pero pinilit at dinemonyo lang ako ni Aira, ano naman gagawin ko rito?



Kinabukasan ay nagising ako ng alas kwatro ng madaling araw, binuksan ko ang ilaw at uminom ng tubig sa kusina. Naalimpungatan ako at natulog muli dahil sa lamig.



Nagising ako at ala singko na ng umaga, maliwanag na labas at may mga nag s-swimming na agad sa baba, ang iba naman ay nagjojogging. Ganito siguro ang buhay sa Japan.



Gusto ko gumala at umikot sa Osaka, naligo na ako at nagpatuyo ng buhok. I wore a black sleeveless crop top turtle neck at reaped jeans. Ginamit ko ang chanel na belt na bigay saakin nila mama no'on.



Kinuha ko ang shoulder bag ko at umalis na ng kwarto. Muntikan ko pa makalimutan ang key card ko sa room.



Paglabas ko ng hotel ay maganda ang sikat ng araw. Maaliwalas ang paligid at may nagliliparan na mga bulaklak. Mahangin sa labas at malamig kahit maaraw.



Andaming lugar at nahihilo na ako. Andaming tao na kaagad at bukas na ang ibang store. Na culture shock ako slight dito sa Japan.



Hindi naman siguro ako tanga para mawala dito na parang bata na hinahanap ang nanay niya.



May Mcdonalds akong nadaanan kaya pumasok ako. Nanlaki mga mata ko nang maalala na hindi ko kabisado ang lingwahe ng Japan! Tangina! Kaya mo mag english pero not everyone in Japan is applicable for english language. Gagamit ba ako ng translator?



"Ohayo!" Maligayang bati ng cashier.



Ito na nga ba sinasabi ko!



Kim, kaya mo iyan, kumalma ka. Jusko, hindi ba halata ang pag ka pilipino ko rito?



Builds In The Sky (Career Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon