02

761 24 10
                                    

"Ano oras pasok mo?" 

Tanong ko kay Alora nang magkita kami sa Coffee Project sa Espana. Naka nursing uniform siya at mukhang kakatapos lang ng klase niya. Kumain na rin kami at wala na akong klase at balak ko rin pumunta rito.

"Babalik ako mamayang 2:30." Sabi niya. "May retdem kasi! nakakaloka as in!" Gigil na sabi niya.

"Bakit?"


"Partner ko napaka ingay! bwisit! shutang yon!" Kumunot ang mga noo niya.


"Weh! baka jowain mo naman yan?" Pagbibiro ko sabay tawa.

Binigyan niya ako ng nakakadiring ekspresyon, tila ay parang kadiri ay sinabi ko sakanya. "Yuck! dugyot! lalamon nalang ako ng lupa." Inis na sabi niya.

Tawa ako ng tawa dahil nagrarant siya saakin sa partner niya. Pero pakiramdam ko nilalandi siya nito or something. Alam ko naman yung ganyang mga galawan.

Nagkaroon kami ng medyo mahaba habang chikahan ni Alora, pero umalis na din siya at may klase siya. Umuwi na ako sa condo ko at nagpahinga muna. Matutulog dapat ako pero biglang tumawag saakin si Syeb.

"Oh napatawag ka?"

[Busy ka? where are you?]

"Condo, bakit?"

[Punta ako.]

"Hala bakit?"

[Cod tayo.]

Umirap nalang ako at binaba ang tawag. Gusto ko magpahinga at matulog, pero ginanahan ako maglaro ng cod at kasama siya. Tapos natuto na rin ako gumamit ng KRM. Hindi ako mahilig sa mga games pati rin sa cod, pero nung nilaro ko nagustuhan ko. Kakalegendary ko lang at nakahabol pa ako, dahil bukas season ulit. Letse! balik pro 1!

Habang nag aantay sakanya ay nag solo battle royale muna ako. Duo mode ang pinili ko at gusto ko mangtrip. Hindi naman sa gusto ko gawing dating app ang cod pero baka ganun na nga! 

[Hi babe] Malanding boses ang narinig ko nang mag open mic ang random ka duo ko.

Hindi ako nagbukas ng mic at tawa ako ng tawa. Nakafollow ako sakanya tapos bumaba kami sa 'the farm'.

[Pwede ka jowain miss?] Maharot na sabi nito. 

Kumunot ang noo ko at ang ingay niya. Napaka dami ng kalaban sa paligid tapos siya panay landi ang lumalabas sa bibig.

[Video call tayo please!] Pag mamakaawa niya. Shutangina! pinagsisihan ko ito!

"Ang ingay mo! shuta ka! laro bago landi!" Galit na sabi ko at nimute mula ang microphone.

[Please mahal na ata kita!] 

Sa ngayong oras naginit ang ulo ko. Nadistract ako, na knock down ako sa labas ng safezone dahil sakanya. Habang siya ay panay kuha ng gamit sa mga bahay, eh wala namang kills.

"Bobo mo tangina ka! bwisit! I regret this shit!" Huling sabi ko bago nag quit sa game at namatay na ako.

"Tanginang punyeta!" Dabog na sabi ko, may kumatok sa pintuan at sigurado akong si Syeb na iyon kaya pinagbuksan ko na ng pinto.

"Are you okay?" He asked. "You looked stressed. May problema?" Pagtataka niya.

I looked at myself, napaka haggard ko na. Ang gulo ng itsura ko. Nabwisit pa ako sa lalaking lumalandi sa br eh bobo naman! Nakakainis yung harot lang ambag sa cod. Ni isang skill walang maipakita. Hanap hanap shawty jusko!

Builds In The Sky (Career Series #2)Where stories live. Discover now