11

423 10 2
                                    

"Tara na anak!" Bati ni mama at papa saakin.

Lumabas na ako ng bahay dala dala ang toga ko at ang squared academic cap. Naka formal attire ang magulang ko ngayon. Kasama rin si Felix, sasakyan niya na ang ginamit namin papuntang school.

Maaga pa pero nang-gugulo na si Aira sa gc namin. Andun na raw siya at ang ibang graduates andun din. Gaga siya! ang aga aga niya naman! sina Alora at Azari ay papunta na rin.

Nakausap ko si Syebastian nung isang araw at pupunta daw siya ngayon. Ganun pa din, busy raw siya everyday. Hindi ko na maintindihan ano ngyayari, ang mahalaga nasa graduation day ko siya ngayon. After graduation, aayusin namin ito. Gusto ko na bumalik ang dati. Hindi ko kakayanin kung tuluyan na siyang mawala sa buhay ko.

"Nako anak! nakakaexcite talaga jusko!" Maligayang sabi ni mama saakin.

Tinext ko si Syebastian kung ano oras siya pupunta at kumunot ang noo ko sa nireply niya.

Syebrv: I'm sorry, babawi talaga ako sayo. I love you.

Me : Huh? hindi kana pupunta?

Hindi na siya nagreply at nakaramdam ako ng sobrang kaba saaking puso. Hinaplos ni Felix ang kamay ko at mukhang dismayado ang mga mukha ko.

"It's your graduation couz, maging masaya ka today. Don't stress this special day." 

Alam kong special tong araw na ito saakin. Oo nga dapat masaya ito. Sigurado naman akong pupunta iyon! nangako naman siya. His promises we're sincere. Sana hindi niya biguin iyon, at sigurado naman ako.

Nang makarating na kami sa PLM ay andun na ang mga graduates sa batch namin. Kasama rin nila magulang nila. Nakita ko ang dalawang babae kaya nilapitan ko iyon.

"Ito na ang summa! mabuti hindi summakabilang buhay ha!" Pang aasar ni Marian.

Sumisigaw ang babae sa malayong distansya kaya nilingon ko iyon. Si Aira iyon at si Alora saka Azari, kumakaway saakin. Lumaki ang mata ko at nilapitan sila. Halos madapa pa ako sa heels at nagsisigaw si Aira na ang bagal ko raw sobra.

"Summa na summa, mabagal maglakad! prinsesa ka gorl?" Pang aasar ni Aira saakin.

Naka casual dress si Alora at Aira, ganun rin naman kay Azari pero mas elegante ang pormahan. May earrings pa, gold necklaces at Chanel bag. Ang heels niya, mukhang mamahalin rin.

"Ganda pormahan ah! baka Azari yan! ang future ceo!" Pagbibiro ko.

"This is my cheapest outfit! I think?" Sarkastikong sabi niya.

"Luh parang sira to! anong cheap ka dyan! nahiya naman ako sa suot ko!" Reklamo ni Aira.

"I should have worn my Hermes one!" Umirap si Azari.

"Sana ol ka!" Natatawang sabi ni Alora. 

Masaya naman ako at onti onti ng umaayos si Alora. Hindi siya napapabayaan at umiinom siya ng anti-depressants niya. Si Aira naman ay naka move on na raw. Ginawa niya ang lahat na distractions para maka bangon ulit. 

Hindi ko na siguro alam ang buhay ko kapag wala itong tatlong ito. Para ko na silang kapatid na tatlo. Nanlaki mga mata ni Aira nang makita si Emilia naka hawak kay Felix.

"Aira!" Mabagal na tawag ko.

"Shunga! dati lang yun! bwisit to!" Inis na sabi niya sabay tawa. "Loka ka! wala akong oras maging kabit! wala pang one fourth buhay ko tapos gagawa ako ng kasalanan sa diyos? ay teh pass!"

Builds In The Sky (Career Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon