CHAPTER 31: ACE CARDS

1.6K 56 2
                                    

Xenon's POV
Huminga ako ng malalim bago ko sinagot si Cassandra na kausap ko sa cellphone. "Sige. Susubukan ko pa rin."

Nagpasalamat naman siya sa kabilang linya at nagpaalam na rin. Napahinga na naman ako ng malalim habang nakatingin sa kawalan. Mamayang gabi na ang alis ni Quebec. Gusto ko rin siyang pigilan pero alam ko na hindi ko dapat gawin 'yon.

Una dahil sa gusto niyang bumalik sa pagtuturo. Pangalawa para makapag-ipon ng pangpyansa niya sa mommy niya. Pangatlo gusto niya kapag humarap na siya sa mga bata, may mukha na siyang maihaharap sa kanila.

Pero kung ako ang tatanungin, ayoko rin talaga siyang paalisin. Pero sino ba naman ako para pigilan siya. Oo, ama ako ng mga anak niya pero wala naman ako sa tamang lugar para kontrolin siya. Yung nararamdaman ko para sa kanya wala namang magagawa kasi mukhang wala naman na siyang nararamdaman para sa akin.

Tinignan ko ang litrato naming apat ng mga anak ko sa picture frame na nandito sa ibabaw ng mesa ko. Hindi sinabi ni Cassandra kung ilang taon tatagal si Quebec sa ibang bansa. Pati raw kasi siya ay hindi sigurado kung ilang taon lalo na at ang sabi ni Quebec ay kapag nagustuhan niya roon baka magtagal talaga siya. Balak din daw kasi nito na kung makakaipon ito ng malaki-laki sa ibang bansa ay lulubusin na raw nito para pagbalik dito ay makapagtayo ng business.

Na talagang nakakalungkot lalo na kapag naaalala ko ang mga bata. Tatlong taon na silang nawalay sa kanya tapos heto na naman. Ang akin lang naman, sana sa pagkakataon na 'to makita na niyang lumaki ang mga bata at gusto ko na habang unti-unti na silang nagkakaroon ng muwang ay nasa tabi nila si Quebec.

Kung tutuusin, kaya ko rin namang magbayad ng pyansa para sa mommy niya kung 'yon ang inaalala niya. Pero ang sabi sa akin ni Cassandra ay malabo raw na pumayag si Quebec sa bagay na 'yon at alam ko naman 'yon. Pero umaasa pa rin ako na baka pumayag siya kasi kahit papaano gusto ko sanang mabigyan ang mga anak ko ng kompletong pamilya. Lalo na ngayon na nagkakaisip na sila. Alam na nila ang mga nangyayari sa paligid nila.

Ayokong dumating sa punto na tatanungin ako ng mga anak ko na bakit wala akong ginawa para mabigyan sila ng kompletong pamilya kahit abot kamay lang namin si Quebec.

Nagpalit ako ng polo shirt dahil may pupuntahan ako. Susubukan kong kausapin ang mommy ni Quebec. Sigurado ako na bago siya umalis ay dadalawin muna niya ang mommy niya. Sana lang ay hindi pa ito nakakadalaw ngayong araw para kung sakali na pumayag ang mommy niya sa pakiusap namin ay mapapaliwanagan niya pa si Quebec. Sana lang din ay makinig sa akin ang mommy niya at paniwalaan lahat ng sasabihin ko. Para sa mga bata.

Nagmamadali akong lumabas ng office ko at kinausap ko ang isa sa mga manager ko. "Aalis lang ako sandali. May kakausapin lang ako." Tumango naman siya.

Pero bago pa ako makaalis ng restaurant ay may naalala ako. Pumunta ako sa kitchen at naghanap ng pwedeng lutuin. Hindi naman ako pupunta roon ng sarili ko lang ang dala ko. Kahit papaano dapat may dala ako kahit pagkain.

Mabuti na lang ay maraming ingredients na nakahanda na sa kitchen kaya nagluto muna ako ng pwedeng dalin sa mommy ni Quebec. Sana lang ay magustuhan niya ang dadalhin ko. Yung mga niluto ko ay ilan sa mga bestseller namin kaya medyo confident naman ako na masasarapan ang pagbibigyan ko.

Pagkatapos kong magluto ay inilagay ko ito sa isang takeout na lalagyanan at dinala ko palabas ng restaurant. Sumakay ako sa kotse ko at pinuntahan kung saang presinto nakakulong ang mommy niya. Buti ay naitanong ko kay Cassandra kung saan nakakulong ang mommy ni Quebec nung minsang nagkausap kami.

Kaya lang hindi ko alam kung ano ang pangalan ng mommy niya bukod sa apelyido nila na Martinez. Wala akong choice kung hindi ang tawagan si Cassandra habang nasa gitna ako ng pagmamaneho.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon