CHAPTER 10: MOMMY

2.1K 49 0
                                    

Quebec's POV
"Yum! Yum!" Masayang sabi ni Landon pagkatapos kong isubo sa kanya ang kapirasong doughnut na merienda nila.

"Baby don't talk when your mouth is full." Sabi ko sa kanya at tumango naman siya agad.

"Okay yaya." Sagot niya naman kaya nginitian ko siya.

Inaasikaso ko sila sa merienda nila rito sa dining area nang may pumasok. Si Cassandra. Malaki ang ngiti niya sa mga labi habang palapit sa amin.

"Hello everyone." Bati niya sa amin. Naglingunan ang mga bata sa kanya at napangiti nang makita siya.

"Tita Cass!"

"Mommy!"

Nagkatinginan kami ni Cassandra sa itinawag sa kanya ni Lanaia. Hinalikan siya ni Cassandra sa nuo saka ako itinuro. "No baby. I'm not your mommy. Siya na lang ang tawagin niyong mommy."

Pinanlakihan ko ng mata si Cassandra. Tumawa lang siya kaya inirapan ko siya. "Yaya? Why?" Lanaia asked Cassandra curiously.

"Kasi si yaya ang nag-aalaga sa inyo. Diba ganon ang mga mommy? Sila ang nag-aalaga sa mga baby na kagaya niyo kaya okay lang kung tawagin niyo siyang mommy kaysa yaya. What do you think baby?" Hinaplos-haplos pa ni Cassandra ang baba ni Lanaia na nakatingin sa akin.

Umiling ako. "Don't listen to her Lanaia. Call me yaya. Baka pagalitan ako ni Xenon at sabihin na kung anu-ano ang itinuturo ko sa inyo."

Umupo si Cassandra sa tabi ko saka nilapag ang pasalubong na pagkain sa mesa. "Pinapagalitan ka ni Xenon?" Tanong niya tuloy.

Pinagpatuloy ko ang pag-aasikaso sa mga bata habang nakikipag-usap sa kanya. "Isang beses pa lang. Pagod na pagod kasi siya sa trabaho non kaya ako napagbuntunan niya. Pero madalas naman pinagsasabihan niya lang ako lalo na nung nangangapa pa ako sa mga bata."

"And you didn't tell me because?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Nag-iwas ako ng tingin saka pinunasan sa bibig si Lancelot na ayaw na raw kumain. "Kailangan ko pa bang sabihin 'yon. Para naman akong bata na nagsumbong non. Isa pa kasalanan ko rin naman kung bakit ako napagalitan non."

Hindi na umimik pa si Cassandra at 'yon ang naabutang tagpo ni ma'am Sarah. "Nandito ka lang pala Cassandra. Mabuti at napasyal ka rito."

Nakipagbeso si Cassandra kay ma'am Sarah. "Opo. Dinalaw ko po si Quebec para tignan kung ayos naman ang pagiging babysitter niya sa triplets."

Nakangiting bumaling sa akin si ma'am Sarah. "Nako wala akong masabi kay Quebec. Napakahands-on pagdating sa mga bata. Hindi napapagod kahit maghapon alagaan 'yang tatlo."

"Ganyan po talaga 'yan. Mahilig sa bata. Kaya nga po nung naghanap si Xenon ng bagong babysitter ng mga bata inalok ko siya, dahil sakto naman po non na paalis na siya sa dati niyang trabaho."

Inasikaso ni ma'am Sarah si Cassandra para makakain ito ng merienda. Tutulungan ko nga sana siya sa paghahain ng ilang merienda para kay Cassandra pero hindi ako nito hinayaan. Lagi siyang ganito kapag gusto ko siyang tulungan sa gawaing bahay. Sinasabi niya palagi sa akin na hindi ko trabaho ang pagsilbihan sila. Ang trabaho ko raw ay alagaan ang mga bata.

Napuno kami ng kwentuhan habang ang mga bata ay naglalaro sa malapit. Hindi rin nagtagal ay iniwan ko na si ma'am Sarah at Cassandra para tutukan ang mga bata sa paglalaro. Lumipas ang dalawang oras ay umalis na rin si Cassandra dahil may pupuntahan pa raw siya. Pinaalala pa niya sa mga bata na tawagin akong mommy.

Buti na lang ay nawala sa loob ni Landon at Lanaia ang tungkol sa bagay na 'yon pero kay Lancelot ay hindi. Tuwing tatawagin niya ako at may kailangan siya ay panay ang mommy niya sa akin. Narinig pa tuloy ng lola niya.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon