CHAPTER 9: CAN'T SAY NO

2K 58 0
                                    

Xenon's POV
"Dada wake up na." Mahinang sabi ni Lancelot saka bahagya akong niyugyog.

Hinayaan ko lang siyang gisingin ako at pinagpatuloy ko ang pagkukunwaring tulog pa. "Dada..." Sabi niya saka naramdaman ko ang ngipin niya na kinagat ako sa bahaging tiyan ko.

Bago pa niya maidiin ang ngipin niya sa akin ng todo ay niyakap ko na siya ng mahigpit at inihiga sa tabi ko. "Do you really have to bite me just to wake me up? Come on kiddo, think of something else!" Inipit ko ang mga paa niya gamit ang mga hita ko saka ko siya kiniliti.

"Ahhh dadaaa! Stoooppp." Sabi niya sa pagitan ng tawa at mga tili niya.

"You little vampire huh. Huh." Pinagpatuloy ko ang pagkiliti ko sa kanya hanggang sa magsawa ako.

Kaya naman lantang gulay na ang anak ko sa pagod dahil sa katatawa. Hinalikan ko siya sa ulo bago ako bumangon at dinala siya sa banyo para sabay kaming magsipilyo at maghilamos.

"Bakit ginigising mo si dada?" Tanong ko sa kanya habang naglalagay ako ng toothpaste sa mga sipilyo namin.

"I want to go downstairs. Kanina pa ako gising dada." Sabi niya at nagmumog na sa lababo nang makita niya na may toothpaste na ang sipilyo niya. Nakasalampak siya sa tiles nitong lababo kaya abot na abot niya ito at nakikita niyang mabuti ang sarili niya sa salamin.

"Ang aga mo namang gumising anak." Sabi ko bago ko siya sabayan sa pagsisipilyo.

Ang dalawa niyang kakambal ay tulog na tulog pa rin hanggang ngayon. Isa pa ay linggo naman kaya wala akong pasok pero bukas ang restaurant ko. "Today is Sunday. Where do you wanna go, Lancelot?" I asked after we finished fixing ourselves.

"Mall dada." Maikli niyang sabi saka nagpabuhat na sa akin.

"Mall? How about church? Simba muna tayo bago pumunta sa mall. We have to pray and thank papa Jesus for all of the blessings that he gave to us."

Tumango ito at humalik sa pisngi ko bago ako niyakap sa leegan ko. "Okay dada. Can yaya Quebec go with us today?"

Oh man. Talagang kinain na ng sistema nila si Quebec. Gusto nila lagi itong kasama kahit saan sila magpunta.

"Well see baby. Baka humingi ng day off si yaya ngayon." Sabi ko na lang.

Simula nung magtrabaho si Quebec para sa mga bata ay ni minsan hindi pa siya humingi ng day off sa akin. Kahit na minsan ako na mismo ang nagtutulak na mamasyal muna siya o di kaya ay umuwi muna siya sa kanila ay ayaw niya talaga. Nagtataka na nga rin ako pero hindi na lang ako nagtatanong. Sigurado ako na may dahilan kung bakit hindi siya nagpapahinga tuwing linggo.

Dahil tulog pa si Landon at Lanaia ay bumalik kami ni Lancelot sa kama at sinamahan ko siya na manuod ng cartoons. Hindi pa kami pwedeng bumaba dahil hindi pa gising ang dalawa. Baka mamaya kasi ay magising sila at bumaba ng hagdan mahulog pa.

"Dada baba na us." Ungot ni Lancelot ilang minuto pagkatapos kong buksan ang tv.

Nilapit ko siya sa akin at niyakap ng mahigpit. "Nak di pa tayo pwede bumaba. Tulog pa sila." Sabay nguso ko sa mga kakambal niya.

Ngumiti siya ng pilyo sa akin at alam ko na, na kapag ganito siya ay may binabalak na naman siyang kalokohan. Nagpumilit siyang umalis sa bisig ko pero hindi ko siya hinayaan. "Ikaw ha. Gigisingin mo sila ah." Natatawa kong sabi sa kanya.

Natatawa naman siyang pilit kumawala sa akin pero hindi siya nananalo sa lakas ko. "Dada! Dada!" Unti-unti na siyang nainis dahil ayaw ko siyang pakawalan. Kay kulit na bata.

Napahinto kami sa paglalaban na dalawa nang may kumatok sa pintuan. Napatingin kami pareho ni Lancelot dito. Binuhat ko siya pagkatapos saka ko binuksan ang pinto. Mahirap ng iwanan sa kama at baka gisingin ang mga kakambal.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon