Chapter 10

73 3 0
                                    

"Zyrus?"

"Sumama ka sakin."

"Teka lang. Anong binabalak mo ha? Alam kong nasaktan kita kahapon dahil dun sa sinabi ko, pero asdfghjkl--"

Tinakpan niya bibig ko.

"Ang daldal mo. Sumama ka na lang."

Todo hila pa rin siya. Saan ba kami pupunta? Papuntang CR na to ah! OMG! Don't tell me....

"WAAAAAHHH!!!!!!!! ZYRUS, BAKA PWEDE NATING PAG-USAPAN MUNA TO!!!!!!! BATA PA KO!! IKAW DIN!! HINDI KO PA ALA--"

"Tumahimik ka nga! Ang ingay mo! Ang dami na tuloy nakatingin sa'tin. Kung hindi ka sana sumigaw e di hindi sana tayo mapapansin."

"Maganda nga yun e, para hinddi matuloy ang plano mo sakin! Walanghiya ka!!! Pagkatapos kitang pagkatiwalaan ito pa ang gagawin mo?! At sa CR pa talaga?! WALANGHIYA KA TALAGA!!!!"

Pinaghahampas ko siya. 

"Pwede ba? Wag ka ngang maging assuming kahit ngayon lang?! Look."

Tinuro niya yung palda ko.

"May tagos ka. Concern lang ako. Palakad-lakad ka pa! Tapos yan, sumigaw ka pa. Mas marami tuloy nakakita."

"G-Ganun?"

"Oo. Wag assuming ha. Pumasok ka na nga dun."

Natawa na lang ako sa sarili ko. "D Pero may guilt pa rin. Seryosong-seryoso kasi siya. Hindi ako tinawanan. Hindi ako nilait. Hindi siya hyper. Hindi siya yung Zyrus na kinasanayan ko. 

Nakatulala lang ako sa loob ng cubicle ng biglang may kumatok. 

"Tapos ka na ba?"

Anong akala niya? Ganun kabilis yun? -_____- Ang hirap kayang maging babae.

"Hindi ko alam ang gagawin ko."

"Babae ka ba talaga? First-timer ka ba? Sandali lang, magse-search lang ako ng dapat mong gawin."

"Baliw! Ano kasi--"

"Ano?"

"Wala kasi akong napkin."

Narinig ko ang pagbutong-hininga niya. Napahinga na lang din ako ng malalim. Bakit ba sa kanya ko to sinasabi? 

"Pwede bang humingi ng favor? Pakikuha naman nung paper bag sa locker ko."

"Okay."

Okay? Wow ha! Hindi umapila. Nice :) 

Binigay ko sa kanya yung susi mula sa taas ng cubicle at narinig ko naman agad ang pag-alis niya. 

Hindi nagtagal, dumating na siya dala yung paper bag. May extra uniform kasi ako dun and such, in case of emergency. Naglinis naman ako agad kaya lang nung magpapalit na ko....

"Gosh!! Ubos na pala napkin ko dito! Bakit ba hindi ko muna chineck kanina? -_______- Ang malas ko talaga!"

Nasan na kaya si Zyrus? Hinalwat ko ang bag ko. I searched for my phone. Cinontact ko si Ashlyn.

"May extra napkin ka ba?"

"WTH?! Wala man lang 'Hello, Ashlyn! Kumusta? Napkin agad? Hahahahaha!"

"Look. I'm serious here."

"Hindi kita makita."

"'Ganda mong kausap."

"Hindi lang kausap bhe. Kahit sa personal pa yan! HAHAHAHA!"

"Ibig sabihin ba nito wala akong mapapala sayo?!"

Love at First SemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon