Chapter 9

86 6 3
                                    

9:00am ako nakarating ng gym. Madami nang nag-ooccupy ng seats. 90% girls ang manonood ng game. Nagmuka tuloy malaking event, e katuwaan lang yata itong game nina Kevin today. 

Basta ako? Moral support lang. Nakakahiya kasi kay Kevin e. Saka wala naman sigurong masama kung manonood ako ng game niya ngayon. Sayang nga e. Kung kasama ko sana si Zyrus ngayon, e di may kakwentuhan ako kahit papano. 

Haaay! Speaking of that badass! Hindi tuloy ako nakatulog ng maayos kagabi. Tototohanin niya kaya yung sinabi ko? Kaya ba humindi siya dun sa offer ko na manood ng game ngayon kasi iiwasan niya na ko starting today?! 

Bakit ganun? Dapat masaya ako kasi hindi na siya mangungulit. Wala nang aaligid sakin para lang mambwisit. Kakayanin ko kaya? Siguro naman. Hindi naman siya ang mundo ko e. 

Ano ka ba Leanzey! Nagpunta ka dito para kay Kevin. Para manood ng game niya. Hindi para isipin si Zyrus. Ghaaaaad!! #FeelingConfused

"Ang aga mo ah!"

"Ui Kevin! Hahahaha! Ikaw pala."

"9am pa lang. 9:30 naman ang start e. Baka nga 9:45 pa. Excited ka ba?" *laughs*

"Hindi naman. Maaga lang akong nagising."

"Maagang nagising? O hindi ka nakatulog? Yang eyebags mo oh! Masyadong obvious ngayon. Hahahaha!"

"Ang saya mo ah!"

"Nandito ka kasi."

"Marunong kasi akong tumupad sa pangako."

"Really? Pero alam mo, hindi lahat ng pangakong tutuparin pwedeng makapagpasaya sa isang tao."

TUTUPARIN KO ANG GUSTO MO.

TUTUPARIN KO ANG GUSTO MO.

TUTUPARIN KO ANG GUSTO MO.

TUTUPARIN KO ANG GUSTO MO.

TUTUPARIN KO ANG GUSTO MO.

His voice keeps on replaying! Ano ba kasing meron sa mga pangakong yan? 

"Hey! Are you okay? May nasabi ba 'ko or what? Natahimik ka kasi bigla."

"Wala naman."

"Magpapalit lang ako ha. Just sit back and relax. Hahahahaha! Bye!"

Ngumiti na lang ako at tumingin sa paligid; sa tabi-tabi. Nagbabakasakaling may anino ng isang Zyrus Klein Hernandez. Pero wala. Instead, tatlong witches na masamang nakatitig sa akin ang nakita ko from afar. May dala pa silang banner for Kevin. I know now! *stabs myself* Ayoko pa naman ng may kontrabida or something sa buhay ko. 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kevin's team won! Syempre kahit medyo shy ako, todo cheer pa rin naman ako for Kevin. Hindi ko yata kayang manood ng hindi tumitili no?! O kaya yung wala man lang emosyon. I salute those kind of people. :D

"Natagalan ka ba? Sorry. Hahahaha!"

"No, it's okay. Wag ka ngang magmadali jan :D Maaga pa naman e."

Pinanood ko lang siya habang pinupunasan niya ng towel yung buhk niya. Nagshower pa kasi siya e. Ako naman, hinintay ko na lang siya dito sa bleachers. 

"Tara! Treat ko lunch mo."

"Talaga?"

Nag glow naman agad ang mga mata ko. Syempre tipid! Hahahaha!

Love at First SemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon