Chapter 8

77 2 0
                                    

PLEASE VOTE & COMMENT :))

Naghahanap kasi po ako ng pwede kong pag-dedicate-tan ng Chapters ko, so please? Hahahahaha! Comment comment lang <3 Thank you!

----------------------------------------------------

Leanzey's POV

Nagising ako dahil may pumipisil-pisil na daliri sa pisngi ko. 

"Ano ba? Natutulog yung tao e."

"Tao ka pala?"

Ugh. Nakakainis talaga tong si Zyrus.

Teka! Si Zyrus? Bakit kasama ko siya? :3

Napabalikwas naman agad ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses niya. Wala na akong pakialam kung ininsulto niya ko kung tao ba ko. Bahala siya! Basta maganda ako! ;) Wahahahaha!

Tumingin ako sa paligid at nun lang nagsink-in sa utak ko na pauwi nga pala ako at kasama ko talaga siya. 

"Malayo pa ba bahay ninyo? Tayo na lang ang tao dito sa jeep oh."

Napatingin ako sa loob ng jeep. Wala na ngang pasahero. Kami na lang dito sa unahan. 

"Saan ba kayo bababa?", tanong ni Manong Driver.

Sinabi ko naman kung saan mismo. Hindi ko na kasi alam kung ano 'tong dinadaanan ng jeep. 

"Haynaku. Malayo na ang narating ninyong dalawa. Hindi nyo ba alam kung saan yon? Sana sinabi nyo sakin kanina. Tinatanong ko 'tong kasama mo, hindi niya naman daw alam."

"Alam ko po kung saan kami pupunta. Kaso nakatulog po ako kaya lumampas kami."

"So ano? Kasalanan na naman ni Pnoy?"

Tawang-tawa naman 'tong si Zyrus. Parang hindi namomroblema ah. Eh kung ihulog ko na kaya to? >________<

"Sorry na Manong. Hindi naman po namin sinisisi si Pnoy e."

"Wag ka kasing matulog sa byahe, lalo na kung hindi naman pala alam nitong kasama mo kung saan kayo pupunta. Parang pag-ibig lang yan e. Minsan, nagiging panatag tayo kung saan man tayo dalhin nito. Pero dapat alam natin kung kelan tayo didiretso o magpapatuloy at kung kelan tayo titigil at kusang bababa."

"Salamat sa hugot nyo Manong. Bababa na po kami. Tara na, Zyrus!"

Bumaba na kami at nagsimula na akong maglakad.

"Hintayin mo naman ako!"

"Ang bagal mo kasi."

Chineck ko kung anong oras na. 9pm na pala! Pagtingin ko sa cellphone ko, 10 missed calls galing kay Mama.

"Maglalakad na lang ba tayo?"

"Try mong gumapang para masaya."

"Leanzey naman..."

"Ano?!"

"Wala. Para kasing biglang nagbago yung mood mo ng marinig mo yung hugot ni Manong. Tinamaan ka ba?"

"Wala kang pakialam."

"Grabe talaga kayong mga babae. Ang moody nyo! Hahahaha! Kaninang umaga, okay ka naman. Tinawag mo pa nga akong babe e. Tapos nabadtrip ka sakin dahil dun sa Kevin na yon. Tapos ngayon badtrip ka na naman. Sana pala tulog ka na lang lagi."

Love at First SemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon