Chapter 26

417K 20.2K 15.4K
                                    


Chapter 26

The pain was so heavy that even the darkness of night couldn't conceal my tears and sadness. I felt like a certain part of me died.

Inilibing namin ang labi ni Mark.

Hindi ko alam kung paano umuusad ang mga araw bukod sa gabi-gabi kong pag-iyak. The dread of failure consumed me. I should have gone out of my way to help him. I should have hugged him instead of lurking over the bruises my own father had caused me.

I knew my family blamed me, and I couldn't help but blame myself as well.

Siguro kung napansin ko ang lungkot niya, magkakaroon siya ng rason para manatili.

Araw-araw, ang hirap gumising. Pagmulat ko pa lang, bumubungad na sa akin ang masayang larawan namin sa bedside table ko. Minsan nga ay ayaw ko na lang matulog dahil naaalala ko ang mga ngiting ibinigay niya sa akin, kalakip ng sakit ng pinagdadaanan niya.

I looked up. Mark, malungkot ako ngayon. Kanino na ako tatakbo?

Hindi na rin sumagot si Calix sa mga tawag ko. And it hurt me more. Na natitiis niya ako kahit pa nagmakaawa na akong umuwi siya. Tulala ako lagi. Miski sa trabaho. Ni hindi ko namamalayan na may kailangan na pala akong gawin.

Days felt like decades for me. Gusto kong pahintuin muna ang lahat para magkaroon ako ng oras para umiyak... pero wala. Yesha went home to her father's province. She was as affected as me. Nagpaalam siya sa akin at sinabing babalik siya kapag kaya niya na.

Pakiramdam ko ay mag-isa ako. Kahit nand'yan pa sina Chin, Anne, at Mich. Sa gabi, kinakain ako ng lungkot at pagsisisi.

"Doc, lunch na po," ani Faye sa akin.

Tumango lang ako at bumalik sa pagkatulala sa bintana. Walang nagbago sa tanawin. Naroon pa rin ang nurses na iginagala ang mga pasyente. May ilang bata ring naglalaro.

A realization hit me like a ton of bricks—the world would never stop spinning just because I was miserable. It would never pause for my pain. And in the end, life would go on, with or without me.

I miss Calix. Kahit napakalaki na ng tampo ko sa kanya, alam kong sa oras na makita ko siya, magpapayakap lang ako, magpapakalma. I don't need his explanation anymore. I just want to feel his presence.

Kinuha ko ang cellphone ko at muling binalikan ang huling palitan namin ng messages sa messenger. The pictures that he sent me held my sanity. Isang tingin ko lang sa kanya, parang magagawa ko na lahat. Parang kaya ko. Parang may pag-asa.

I typed a message again. Araw-araw ay ganito. Kahit walang reply.

Rovina Desamero: Uwi ka pa rin sa akin, ha?

Even if I feel like crying, wala nang luhang lumabas sa mata ko. I know what he's doing. He's indirectly breaking up with me. Pero gusto kong magpanggap na bulag sa mga senyales niya.

He didn't read my message, but after a few seconds, I saw his Instagram story. Napahawak ako sa cellphone ko habang nakatingin doon.

It was a photo of the sea taken from his cabin. Ang ganda-ganda. Ang payapa.

"This feels like home. I wish I could stay longer."

That was his caption. Napalunok na lang ako sa pagragasa ng matinding sakit sa dibdib ko. Ang daya niya naman. Hinihintay ko siyang bumalik para maranasan ko ulit ang tumahan, pero siya... gusto niyang manatili roon nang mas matagal?

Parang hindi na siya ang Calix ko. Parang ang layo-layo na niya. Parang wala na siyang pakialam.

Maya-maya pa nga ay na-i-seen niya ulit ang message ko. Sinubukan kong tumawag pero wala pang ilang ring ay ibinaba niya agad.

Dosage of SerotoninWhere stories live. Discover now