Kabanata 8

4 1 0
                                    

THE SLAP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


THE SLAP

After a few days, umalis na ko kila Ysha at nakahanap ako ng bahay na maliit lang na pwede kong tuluyan pansamantala, hinayaan ko na lang muna si Kurby kay Mama para naman matulungan nya rin si Mama sa pag-aalaga ng iba pang kapatid nya. Tama lang naman yung nakuha kong bahay, hindi man sya ganung kalaki pero pwede na rin atleast may matutuluyan ako.

Pagkatapos ko maglipstick ay kinuha ko ang bag ko at susi, tsaka ko naglakad palabas ng bahay nagulat ako ng biglang nakita ko si Blue at Kael na nag-aabang sa harap ng bahay nakasandal sila sa kanya kanyang kotse nila, inilock ko ang pinto ng bahay tsaka ako lumapit sa kanila pero sabay silang nag bukas ng pinto ng kani-kanilang kotse. Ng may kotse na dumating ay napatingin sila.

"Sorry guys, andyan na yung grab na tinawagan ko" sabi ko tska ako sumakay sa grab car

Ilang minuto lang ay nasa Company na rin ako pero pagbaba ko ng Grab ay nakita ko si Blue at Kael na nakaabang sa pagdating ko

"You know what guys, umalis na kayo gawin nyo na kung anong gagawin nyo dahil alam kong marami pa kayong mga sari-sariling gagawin, wag nyo ko  pagtuunan ng panahon dahil believe me hindi muna ako tatanggap ng manliligaw" paliwanag ko sa kanila at tsaka ako akmang aalis pero bumalik ako "oo nga pala, walang susundo o magbibigay ng bulaklak sakin mamaya, nagkakaintindihan ba tayo?"

Tumango lang sila sabay ngiti tsaka ko sila iniwan doon, pagkarating ko sa Office ay nakita ko silang habol tingin sakin na para bang may ginawa ako, lumapit naman kaagad sakin si Ck

"Anong nangyari? Bakit nakatingin sila sakin?" tanung ko kay Ck at ipinatong ko ang bag ko sa lamesa

"Beks kagagaling lang dito ni Miss Oliv galit na galit hinahanap si Sir Tim mukang nangangamoy war eto pa Beks hinahanap ka ni Miss Oliv galit na galit" nanlalaking mata ni Ck sakin "ano bang ginawa mo? Kasi ang balita, hindi na daw tuloy ang kasal nila kasi umurong si Sir Tim at eto pa si Sir Tim daw ay nasa America na, ni hindi manlang hinarap si Miss Oliv kung bakit hindi na tuloy yung kasal"

"Wala, wala naman akong ginawa" sagot ko sa kanya

"Beks galit na galit si Miss Oliv kasi sa tingin ko ikaw yung sinisisi nya kung bakit umurong si Sir Tim sa kasal" dagdag ni Ck at napahawak na lang ako sa ulo ko

"Bakit ba daw bumalik ng America si Sir Tim?" tanung ko sa kanya

"Walang nakakaalam kung bakit basta nalaman na lang namin sa secretary ni Sir na kahapon daw ay pinacancell ni Sir ang appointments at meetings nya tapos nalaman lang ng secretary ay nasa America na si Sir" kwento ni Ck habang nakapangalumbaba

"Alam kong hahanapin at hahanapin ako ni Miss Oliv bahala na kung ano ang mangyayari basta ang alam ko wala akong ginawang masama" sagot ko sa kanya

"Basta ano man ang mangyari, at kung kailangan ng resbak andito lang ako" sabi ni Ck sabay tango at ngiti

Kahit wala si Sir, tuloy pa rin ang trabaho. Wala naman akong ginawa, alam kong wala akong kasalanan sa nangyayari ngayon sa kanila, handa akong humarap sa kanila at handa akong ipaliwang kung anong gusto nilang marinig.

Born With DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon