Panimula

4 1 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Adelaine Joy Pasqo ang pangalan ko, ang ganda pakinggan parang puno ng saya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Adelaine Joy Pasqo ang pangalan ko, ang ganda pakinggan parang puno ng saya. Sabi ni Mama lahat ng pangalan ay may ibig sabihin Adelaine meaning "MARANGAL NA TAO" at sinamahan pa ni Mama ng Joy dahil lubos daw ang kagalakan nila ng di nila inaasahan na darating ako sa buhay nila.

Ikaw? Anong ibig sabihin ng pangalan mo o bakit iyon ang pinangalan sayo?

Ikaw? Totoo ba ang ibig sabihin ng pangalan mo?

Sakin kasi... "Hindi"

***

Di ko alam kung tama pa ba yung mga nagiging desisyon nila, yung nagiging desisyon ko. Ang hirap kasi mag decide dahil pwedeng ikasaya mo nga, ikapahamak naman ng iba, basta ang point don hindi pwede ni isa don walang masasaktan.

Lumaki ako sa tamang buhay lang, tama lang!! Hindi mayaman at hindi rin naman sobrang hirap. Ewan ko kung may mga magulang pa ba ko, guess what!!

"Hooy Adel lumabas ka dyan" napabalikwas ako ng biglang may ilang beses na nangangalampag sa pintuan namin isang boses ng bungangerang maniningil "Adel ano ba" katok nyang malakas sa may pinto namin na akala mo'y magigiba na "bingi ka ba o tinataguan mo na naman ako" pahabol nito

nag-ayos ako ng buhok tsaka ako pumunta ng pinto para buksan iyon "Aling Lucing kayo po pala, halika't mag meryenda po muna kayo para mawala yung init ng ulo nyo, huminahon po muna kayo" sabi ko sa kanya habang hila hila ko sya papasok sa loob ng bahay namin

Umupo sya sa sala namin tsaka ko sya tinapatan ng electric fan "Nasan na ba yang Nanay mo? Tinataguan na naman ako paano ako hihinahon nito ni walang maipakitang anino yang Nanay mo uutang utang tapos tataguan ako" sabi nya habang pinapahiran nya ng pawis ang sintido at noo nya

Kumuha ako sa ref namin ng pitsel, sinalinan ng juice ang baso tsaka ko inilapag sa harap ng lamesa ni Aling Lucing ang baso "Naku pasensya na Aling Lucing wala po ka........"

Tumayo si Aling Lucing sabay hawak sa bewang nya "Ahhh oo nga pala, wala na naman yung Nanay mo dito kasi nasa pangalawang pamilya nya na naman, oo nga pala hindi nya nga pala priority malas nyo nga lang kasi sya yung naging Nanay nyo kung ako sa inyo hindi ako papayag na babaliwalain lang kayo ng Nanay mo, yung Nanay mo kasi masyadong hitad para......." napatigil si Aling Lucing ng bitawan ko yung remote na hawak ko

"Aling Lucing magbabayad kami ng utang namin pero hindi mo kailangan magsalita ng ganyan" sabi ko sa kanya habang pigil pigil ko ang sarili ko, kung wala lang kaming utang sa kanya malamang napagsalitaan ko na yan ng hindi maganda gusto ko na sya isumpa akala mo naman perpekto yung pamilya nya e' yung anak nya naman kumakabit sa pamilyadong tao hindi nya alam yon, ang alam nya yung anak nya mabait kasi Summa Cum Laude pero ang totoo 'Summa'-sabit sa pamilyadong lalaki

Lumingon sya sa itaas na parte ng bahay namin tsaka sya nag paypay "basta mag-bayad kayo ng utang nyo, ayaw nyong napapagsalitaan kayo totoo naman, magbayad kayo" sabi nya tsaka sya padabog na lumabas ng bahay namin

Napaupo na lang ako sabay hawak sa ulo ko, ang daming problema hindi ko alam kung bakit nagkaroon ng P30,000 na utang si Mama kay Aling Lucing, ni hindi namin alam kung saan nya ginamit yon halos tatlong taon ko na binabayaran yon hanggang ngayon di ko pa rin alam kung saan nya inilaan yon. Ewan ko ba!!

Napatunghay ang ulo ko ng biglang narinig ko yabag ng mga paa "kumain ka na" sabi ko sabay tayo

Napatunghay ang ulo ko ng biglang narinig ko yabag ng mga paa "kumain ka na" sabi ko sabay tayo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

KURBY PASQO
'My Brother'

Inilapag niya ang dala nyang groceries sa lamesa "pinakakamusta ka ni Papa, hindi mo daw sya dinadalaw nami-miss ka na nya" sabi nya tsaka nya inilapag ang packbag nya sa upuan

Oo nga pala si Kurby kapatid ko lang sya sa Papa actually kaya sakin sya tumira kasi ayaw nya makisalamuha sa side ni Mama at magugulo daw kasi don at si Papa naman 5 years ng nakakulong, nakapatay sya but still he is my father walang magbabago don hindi ko lang makalimutan ang ginawa nya, ewan ko ba!! Sa lahat ng nangyayari sa buhay namin ngayon si Papa yung sinisisi ko, alam kong mali pero marami akong kailangang tanggapin.

Nagsalang sya sa kasirola ng tubig para pakuluin "Ate okay ka lang?" tanung nya tsaka sya lumapit sakin at umupo sa harap ko tumango lang ako sabay hagod sa bangs ko "tumawag pala sakin yung Ex mong gago"

"Ohh?? Anong sabi?" tanung ko na parang nawawala na naman ako sa sarili ko at concern na naman ako sa kanya

Napangisi yung kapatid ko "gusto nya daw bumawi sayo pero sinabi ko sa kanyang wag na syang tumawag at wag ka ng guluhin" narinig ko iyon at biglang kumulo ang dugo ko

"Bakit di mo sakin sinabi na yung black eye mo nung isang araw sya pala ang may gawa?" taas kilay na tanung ko sa kanya

Tumayo sya para lagyan ng noodles ang kumukulong tubig "Ayoko ng dumagdag sa problema mo Ate, nagsuntukan lang naman kami dahil nakita ko na naman syang nakikipaghalikan sa ibang babae pati dapat lang yon sa kanya dahil sa paulit ulit na ginawa nya sayo" hindi ko naisip na gagawin yon ng kapatid ko sa Ex ko

Tama!! Paulit ulit na kong ginagago ng Ex ko, nagbubulag-bulagan ako dahil syempre mahal ko ganun naman talaga paulit-ulit ka muna magpapakatanga bago ka magising sa katotoohanan na marami pala kayong pinasasabay sabay nya.

Kaya wala na akong pakiramdam e' kasi hinahayaan ko na lang na gawin nila yon sakin, alam ko naman na nasa akin din ang problema kasi hinahayaan ko sila pero kasi wala akong magawa nagmahal ako e', nagmahal lang naman ako? Hindi naman ako perpekto pero gusto ko naman ng happy ending. Kailan ba yon? Ilang beses pa ba ko masasaktan? Ilang beses pa bago ako mauntog? Kotongan nyo naman ako oh para naman magising ako.

Born With DutyWhere stories live. Discover now