Book of words
Hindi na ko dumaretso kahapon sa book of words dahil feel ko napagod ako ng sobra at nagmadali na rin ako umuwi sa bahay, ngayon ako pupunta sa Book of words para naman marami akong time tsaka napag-isipan ko kasi na gusto ko namang dalawin si Papa sa kulungan ngayon para naman kahit papano maisip nya na naalala ko pa rin sya kahit ganun ang nangyari.
Nakabihis ako at nagmamake up ako ng may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko sabay pasok ng kapatid ko "Ohhh" sabi nya sabay lapag ng bouquet ng bulaklak at isang basket na prutas
Itinigil ko ang pagkikilalay ko tsaka ko tinignan yung flowers "Kanino galing yan?" tanung ko sa kapatid ko
"Di ko kilala, may lalaking nagdala nyan dito kanina nung naliligo ka nakasuot sya ng itim at may earpiece sa tenga para daw kay Adelaine Joy Pasqo" paliwanag nya habang nakasandal sya sa pinto ng kwarto ko "manliligaw mo?"
"Hindi ahh di ko nga alam kung kanino galing yan e" sabi ko tsaka ko tinignan yung maliit na papel na nakalagay sa bulaklak
Good morning Adelaine
Hope you like the flowers and fruits, don't skip your breakfast.Tinapos ko lang pagmamake up ko at umalis din ako agad para pumunta sa book of words. Pagkarating ko don ay nadatnan ko kaagad si Ate Ara na may-ari ng Book of words "Good Morning po" bati ko sabay ngiti
"Ohh bakit ngayon ka lang napadalaw dito Adha, balita ko hiwalay na daw kayo ni Paul" sabi nya tsaka nya ibinaba sa lamesa ang cp nya
Napabuntong hininga na lang ako "matagal na rin kaming hiwalay Ate Ara" sabi ko sa kanya
"Maigi na rin yon Adha, nakita ko sya nung nakaraan nasa pangasinan sya may kasamang babae na maputi ngayon lang kasi tayo nagkita sa tagal kong nasa bakasyon kaya ngayon ko lang rin nakwento" kwento nya
"Okay na naman ako Ate Ara, baliwala na sakin ang lahat ng yon kinalimutan ko na rin sya" sabi ko sa kanya ng nakangiti at nagulat ako ng biglang may umakbay sakin
VOUS LISEZ
Born With Duty
Roman pour AdolescentsI'm just a girl who really want to live a simple life, i'm not the type of girl who wish for something that i really don't need. Just a simple life, pero hindi ko naman hiniling na pahirapan ako. Everything is like battle mapa-family man yan o love...