CHAPTER 2: The deal love•

7 1 1
                                    


Morning..

Maaga akong nagising at agad akong nag open sa love match, at bumungad sakin ang chat ni onicii.

ONICII: Good morning!

Me: Morning.

Maikli kong reply at tumayo sa higaan ko saka inayos ang kama ko.

ONICII:" Anyari sayo bat di ka nag open kagabi?"

Hindi ko muna siya nireplyan at pumasok sa cr para mag hilamos. Busy ako kagabi kaya hindi ko siya nakausap. Madami akong module na hindi pa natapos, bukas na ang deadline non kaya pinag puyatan ko kagabi kaso ngalang hindi ko parin natapos.

Me:"sorry may ginawa kasi ako kagabi"

Reply ko sakanya habang nag pupunas ng muka.

ONICII:"ahm okay, but now busy ka ba?"

Me:" May online class ko later"

Study first din to uy! Kahit naman naadik ako sa mga ganto di ko parin kinakalimutan responsibilidad ko.

ONICII:"Ah ganon ba, good luck!:)"

Napangiti naman ako sa reply niya, Good luck daw oh!

Me:"Eh ikaw anong gagawin mo ngayon?"

Tanong ko sakanya, saka inabot ang suklay sa table ko at naupo muli sa kama ko. Habang hinihintay ang chat niya sinuklay ko ang kulot at mahaba kong buhok.

ONICII:"I have online class too later."

Me:"Anong grade mo na?"

ONICII:"Grade 12 na ako."

Grade 12?Ibig sabihin 18 na sya. Napakagat naman ako ng labi, 15 palang ako turning 16 palang this year. Okay lang ba sakanya yon. Whatever age doesn't matter naman.
Saka ano naman ngayon kung okay sakanya o hindi. Bakit ako nag aalala.

Me:" ahh so grade 18 kana?"

ONICII:"Yep. How about you?

Nag aalangan pa ako kung sasagutin ko yun,pero wala naman sugurong masama kung sasabihin ko sakanya yung totoo diba, bahala sya sa buhay nya kung ayaw nya sakin!

Me:"ahm Onicii baka mailang ka pag sinabi ko sayo or baka matawa ka nalang hahaha."

Napakagat ako ng labi habang hinihintay ang reply niya.

ONICII:"huh bakit?Sabihin mo na ilang taon ka na ba?"

Me:"15 palang ako,kung naiilang ka okay lang wag mo na akong ichat."

Shit. Anong pag iinarte to?! Nakakahiya! Wala naman akong pake kung di nya ko tanggap e. Flings palang naman kami. Saka nung isang araw ko palang sya na kilala. Madami pa namang iba jan, tulad ng dati.

ONICII:"Oh, don't worry it's not a big deal for me. Age doesn't matter naman e. How about you? Are you okay? Baka mamaya hindi kasuhan mo pako ng child abuse hahahahah."

Napatawa naman ako sa reply niya.

Me:"Ahm okay lang naman sakin."

Yung iba kaseng  lalaki ayaw nila sa akin pag na laman nila edad ko sasabihin nila "oh basta bunso andito lang ako pag may problema ka makikinig ako sayo." Diba nag ka kuya ako ng wala sa oras.

ONICII: Oh Goods naman pala e.

Napangiti ako don, at nag tipa ng irereply sakanya.

Me:" sige mamaya nalang ulit tayo usap, mag sisimula na din oc ko."

ONICII:"Okay, I'll message you after my oc, good luck baby."

Eh? Ano ba yon literal na baby? But i feel a butterfly inside my stomach.

Mr. Dating app (Internet Love)Where stories live. Discover now