CHAPTER 4: Brother Drake •

9 0 0
                                    



"Anong oras ka natulog kagabi?" Tanong ko kay Ostin habang nag lalaro kami. Sabado ngayon kaya marami kaming time para mag laro.



"Ahm... 11:00pm " may pag aalinlangan ang sagot niya.
Napairap nalang ako dahil don



"11? Sinungaling nakita pa kitang online nung 3." Seryoso kong sabi sakanya. Nagising ako nung madaling araw tapos nakita kong online siya sa messenger kaya nag open ako sa ml at nakita ko ding in-game sya. Nang babae pa ata.



"Eh... Hindi kasi ako makatulog non." Ani niya.


"Bat di mo sinabi? Sabi mo nung nag paalam ka matutulog kana." Inis kong sabi. Sobrang inis ang nararamdaman ko ngayon, dahil nag paalam siya sakin na matutulog na siya kaya natulog na din ako tapos ganon ginawa niya.


"Eh tulog kana non." Sabi niya. So pag tulog nako di ko na dapat malaman mga gagawin niya?



"Sus nang babae kalang e." Duda ko sakanya. Hindi ko maiwasang isipin yon. Sino ba namang di mag ooverthink e parang pinatulog ka ng boyfriend mo para makapag laro, tapos di kapa sigurado kung may kausap ba siyang iba.


"Uy hindi ah." Depensa niya.


Hindi ako sumagot at gigil na nakipag laban sa ka lane ko na hero. Napatay niya ako kaya nadagdagan ang inis ko.


"Ikaw kase e!" Inis kong sigaw. Ramdam ko na mainit ang ulo ko ngayon.


"Bat ako." Natatawa pa niyang sabi.



"Sige tumawa kapa." Sabi ko sakanya. Hindi ko to bibigyan ng support e. Palagi kaseng siya ang core naman kumbaga siya ang dapat namin alagaan dahil lalakas ang hero niya. At ako naman lagi ang support niya parang ako naman ang dapat mag bantay sakanya.


"Di na nga po." Tsk di moko madadaan sa pa 'po' mo noh.


Hanggang sa inaagaw niya ang mga kills ko kaya mas lalo akong nainis.


"Bahala ka nga jan." Inis na sabi ko at saka ng back sa laro namin. Bahala siya sa buhay niya.

Ilang minuto lang ang lumipas nang mag ring ang cellphone ko, hudyat na may tumatawag. Hindi ko yon pinansin at saka lumabas ng kwarto ko.


Pag kalabas ko nakasalubong ko si mama na may hawak na isang basket ng damit. Mukang ilalagay niya iyon sa kwarto ni kuya.


"Oh buti naman at lumabas ka ng lungga mo." Sarcastic na sabi sakin ni mama.


"Boring na don e." Tamad kong tanong. At diretsong lumabas ng bahay.

Dahil nasa probinsya naman kami hindi ganon karami ang case ng covid samin. At dahil maliit ngunit marami ang baranggay samin nakakayanan parin naming lumabas ng bahay kahit walang facemask o kahit na ano.

Lalabas lang sana ako para mag pahangin ng napansin ko si kuya na nag bibike. Naisipan kong makigulo sakanya para pahupain ang init ng ulo ko.


"Pahiram." Sabi ko at hinawakan ang manubela ng bike niya.

"Ayoko nga. Gasgasan mo pa to e." Ani niya,at tila ingat na ingat sa bike na yon.

"Ang damot mo naman! Kaya di ka nag kaka girlfriend eh!" Parang bata na sabi ko. Kala ko mababawasan init ng ulo ko yon pala madadagdagan lang.

"Eh ano ngayon! Ikaw nga laging galit kaya walang nag kakagusto sayo e!" Pabalik na sabi niya sakin. Tulad ko hindi rin siya marunong mag patalo.

Mr. Dating app (Internet Love)Where stories live. Discover now