Chapter 42

12.3K 169 9
                                    

CHAPTER 42

1week nalang, kasalan na. Kaya bukas, pupunta sila sa Baguio for their personal preparation. Lahat excited,. llo na ang magpapakasal.

"I love you Kath..." ihahatid ni DJ si Kath sa office. May mga kailangan lang syang pirmahan, dahil on leave naman sya kaya she doesn't have any reason para magstay pa ng matagal sa office.

"DJ... kanina pa yan ha. Wag ka magalala sisipot ako sa kasal" kanina pa kasi walang tigil si DJ sa lakasabi ng I love you kay Kath. And iba ang sweetness nya, at mas lalong iba ang ngiti nito sa mukha, very genuine ang happiness nito.

"Ewan ko ba dito sa puso ko Kath... hindi napapagod sa pagmmahal sayo. Sa katunayan pa nga, hang tumatagal, lalo kitang minamahal" pangbabanat ni DJ

"Hay naku DJ. Inlove ka talaga sa akin, you're so excited na pakasalan ako" natawan naman si DJ sa sinabi ni Kath.

"Grabe Kath, hindi na nga ako makapaghintay eh..." DJ

Nasa office na si Kath and DJ. Hihintayin nalang ni DJ si Kath. Naghihintay sya sa loob ng office ni Kath habang may business meeting. Kailangan kasi ito bago pumirma si Kath.

Halos 30 minutes ng naghihintay si DJ sa office ni Kath, at dahil nabored narin sya kaya nagpaalam na muna sya kay Annie na bibili nalang muna ng kape sa coffee shop sa harap ng office ni Kath.

"Oh Sir, alis na po kayo?" tanong ng guard.

"Hindi ho, bibili lang ng kape. Mukhang matatagalan pa si Kath eh" sagot naman ni DJ bago tuluyang naglakad.

Bumili naman si DJ ng kape, pati si Annie at si Manong guard binilhan na nya ng kape.

.....................

"Annie, si DJ?" tanong ni Kath sa secretary. Kakatapos lang ng meeting.

"Miss, kakababa lang po. Bibili lang daw po muna ng kape" Annie

"Ganun ba... sige, pupuntahan ko nalang sya. Sa coffee shop lang naman siguro sa baba" bumaba na si Kath.

"Ay Mam,.. andoon po si Sir" sabay turo sa coffee shop "mukhang nagutom po eh" Sabi ng guard.

"salamat manong ha..." Kath

................

"Thank you Miss..." sabi ni DJ sa nagasikaso ng kape na nabili nya. What a happy day talaga, kanina pa nya binabati lahat ng makasalubong ng isang magandang ngiti.

Sumisipol sipol pa syang lumabas ng pinto ng coffee show. Naghintay sya kung kelan pwede na syang tumawid, nang makita nyang pwede na,.. naglakad na sya.

.....................

Malayo palang, nakita na ni Kath ang mukha ng gwapo nyang mapapangasawa. Napangiti sya, bakas kasi rito ang sobrang saya... at ramdam nya rin ang sayang iyon.

Dahil patawid narin ito, hinintay nya nalang ito malapit sa kalsada, at nagpangap na parang isang si.pleng taong nagaabang ng sasakyan. Pero sa totoo, inaabangan talaga nya ang boyfriend. Agaw pansin pa si DJ, isa lang syang tumawid sa kalsada, office hours pa kasi.

Nakuha ng attention nya ang isang sasakyan na napakabilis ng takbo, at mukhang out of control ito. Nakaramdam sya ng kaba, na parang mapapako sya sa kinatatayuan, dahil alam nyang mahahagip si DJ.

Napapikit sya sa susunod na pangyayari, pero nang imulat nya ang mga mata nya mas nagulat sya sa nangyari.

.................

Nagulat si DJ sa isang mabilis na sasakyang babangga sa kanya. Halatang out of control ito. At first para syang napako, namalayan nya nalang natumba na sya.

Gusto nyang murahin ang driver dahil sa pagiging reckless nito... pero nakita nya itong bumangga sa isa pang sasakyan, at ang sasakyang nabangga at nakaladkad sa gilid kung saan dumadaan ang mga tao.

Agad na tumakbo sya para puntahan ang mga napasama sa aksidente... pero bago pa sya makarating, may nakita syang pamilyar na mukha na tarantang tumatakbo...

....sinundan nya ito at nakipagsiksikan sa mga taong hindi mo alam kung tutulong ba o makiki osyoso lamang. Nang makita nya ang pinagkukumpulan nila...

"Sir... Si Mam Kath,..." at doon pumasok sa isip ni DJ, na ang babaeng pinakmamahal nya pala ang babaeng wala ng malay na nakahandusay, puro dugo ang katawan.

SHE TAUGHT ME HOW [He Taught Me How Sequel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon