Chapter 10

14.7K 240 6
                                    

Sana you're still enjoying.

........

CHAPTER 10

"Kath, sure ka na tayo lang ang magmo-movie marathon?" Tanong ni DJ kay Kath na kanina pa dampot ng dampot ng kung anu-anu sa grocery store.

"Oo bakit?" Tanong ni Kath

"Eh kasi oh, punong puno na ang cart mo.. puro pagkain." DJ

"Yung iba dyan stocks ko... and last na to magbabayad na tayo after" Kath

Habang nasa Counter sila napansin ni Kath na ang daming nakatingin sa boyfriend nya. Well kanina pa naman, mga highschooler na napapalingon kay DJ,. Yung iba nga talagang bongga kung tumitig eh.

"Di ba nila gets na may kasama kang girl, it means taken ka na..." Kath

"Ha? Bakit?" DJ

"Kanina pa yang mga babae na yan nakatitig sayo..." naiiritang sagot ni Kath

"Normal lang yan Kath... gwapo boyfriend mo eh..." pagmamayabang ni DJ

"Yabang talaga..." Kath

Nagkwentuhan nalang si DJ and Kath while waiting sa Counter, Sunday kasi kaya mahaba ang pila...

After five minutes, may lumapit sa kanila... "Kathryn Bernardo?"

Napalingon sila pareho sa nagsalita... isa 'tong lalaki na nakacasual na damit lang.

"Yes?" Kilala ito ni Kath, naging school mate nya to...

"Sabi ko na ikaw yan eh... lalo ka kasing gumanda" singit nito.

Napatingin si Kath sa boyfriend, kunot noong nkatingin ito sa lalaking nasaharap nila... parang nagtatanong "who the hell are you?"

"Im James, just in case na di mo naalala, school mate tayo nung College..." nakangiti pa nitong sabi na parang di talaga napapansin si DJ

"Ah... Oo I remember you..." sabay kapit sa braso ni DJ. "By the way this DJ my boyfriend..."

Parang doon lang napansing ni James ang presence ni DJ. "May lovelife ka na pala?"

Ang angas ng dating ng James sa paningin ni DJ. Pero dahil ayaw nya makipag-away sa James na to... nagback hug sya kay Kath.

"Yes Bro, she finally have it. A love and a life..." napangiti lang sa Kath.

"Congrats, sige Kath... alis na ako... sana magkita pa tayo ulit..." Sagot ni James. Dahilan para humigpit ang pagkakayakap ni DJ kay Kath.

Maya-maya umalis na rin ito... pero si DJ naka yakap parin kay Kath.

"Uy, DJ... tama na ang PDA, wala na si James." Medyo nahiya kasi si Kath dahil mas lalo silang pinagtitinginan sa Grocery store...

"Its not a PDA Kath... Its PDS." Sagot ni DJ.

"PDS?" Kath

"Public Display of Security... baka kasi may lumapit ulit na lalaki dito magpa-cute sayo." Natawa nalang si Kath sa boyfriend.

[Condo]

"A walk to remember, The Notebook, If Only,... Kath wala bang mas luma pa dito?" Sabi ni DJ kay Kath ng makita ang mga movies na panonoorin nila.

"May mga bago naman dyan ah... gusto ko lang yan mapanood maganda daw yan eh... and wag ka magreklamo bluerey yan kaya malinaw na yan..." sagot ni Kath habang naghahanda ng makakain.

They started 6pm, inuna nila ang mga old movies.

After several hours... nakatapos na sila ng 3 movies. If Only ng last movie nila...

"DJ, awat na... pagod na ako umiyak.." sabi ni Kath na namumula na ang ilong.

"Kasi naman bakit puro drama pinili mo eh..." DJ

"Gusto ko din kasi mapanood yan,.." yun nalang sagot ni Kath at yumakap nalang kay DJ. Mukha nga talaga itong napagod sa kakaiyak.

Tahimik lang sila for several minutes... Si DJ busy sa paghawak sa buhok ni Kath na parang pinaghi-hele ito. Si Kath naman nakayakap parin kay DJ.

"DJ, kung isa man sa atin ang mawawala... sana ako nalang." Napahinto sya sa ginagawa sa sinabi ni Kath. Akala nya tulog na to.

"Bat mo naman naisip yan? Naku nadala ka lang sa movie..." yan nalang sinagot ni DJ

"You know, death is something unevitable... kahit anung gawin natin dun ang endgame..." paliwanag ni Kath. "And if death knocks on our door, I rather be the one na mawala kesa ikaw ang mawala..."

Iba ng pakiramdam ni DJ sa topic,. niyakap nya nalang si Kath "kawawa naman ako kung ikaw ang mawawala..."

Gusto iiwas ni DJ si Kath sa usapan, pero di nya alam bakit yun pa ang nasabi nya,..

"It sounds selfish diba... pero come to think of it. DJ, ikaw you have a lot of outlet, mas mapapadali sayo ang moving on. Ako ikaw ang boyfriend ko and the only kaibigan na sobrang lapit sa akin, kapag nawala ka pa. Wala ng natira sa akin" paliwanag ni Kath.

"Tigilan na nga natin ang usapan 'to, pang bad vibes lang eh..." tumayo si DJ "kainin nalang natin yung cake na binili mo." At hinila si Kath.

Naalala ni Kath, may cake nga pala sila dahil its her special day... napatingin sya sa wall clock and its 12:20 already.

She almost forgot na birthday nya kaya nya niyaya si DJ na magovernight... masyado syang nadala sa movie...

"DJ,.." tawag ni Kath sa boyfriend na busy sa pagslice ng cake.

"Hmmn?" DJ

"Birthday ko today..." natigilan si DJ sa sinabi ni Kath at hinarap ito.

"Oh no... 12 na ah, tapos na birthday mo?" Gulat na tanong ni DJ.

"No, 12midnight na kaya kakasimula palang ng birthday ko" nakangiting sabi ni Kath

Lumapit si DJ kay Kath at niyakap "ikaw talaga wala kang originality..."

"gusto lang kita kasama sa pagsalubong ko sa birthday ko." Kath

He kissed her forehead "Oh birthday mo ngayon ha... wala ng malungkot na usapan... comedy or action nalang panuorin natin" DJ

Alam naman ni DJ na malapit na ang birthday ng girlfriend, pero nagulat parin sya dahil di naman nya alam ang exact date.

"Eh kasi naman yung movie eh.." parang batang sagot ni Kath na ngayon ay yakap-yakap parin ni DJ.

"It's just a movie Kath,.. kaya wag kang mag-alala" pagcomfort ni DJ sa girlfriend

"Happy birthday love... Alam ko na nagsisimula palang tayo but Kath I know sa following birthdays natin, tayo parin ang magkasama... I love you..." Sabi ni DJ habang yakap-yakap si Kath.

Humiwalay naman si Kath sa kanya... "sabi mo yan ha..."

"Oo naman... promise" sagot ni DJ bago halikan ang girlfriend.

After that long and passionate kiss, "Kath, I don't wanna lose you as much as you don't want to lose me... remember that"

SHE TAUGHT ME HOW [He Taught Me How Sequel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon