TB VI. BREATHLESS

4.1K 88 19
                                    

Posted: November 22, 2014

A/n: Sorry sa typhos and grammars.

Breathless.

Nasa kasarapan na ako ng tulog ng walang anu-ano'y may tumabi sa akin sa kama at niyakap ako sa bewang. Agad akong bumalikwas ng bangon sa pag-aakalang may ibang taong nakapasok sa kwarto ko. Sisigawan ko na sana ngunit agad kong naaninag ang mukha ni Ziel. Pinaikot ko ang mata ko sa ere saka bahagyang ikiniling ang aking ulo. Imposibleng pasukin ako ng iba sa pamamahay nila. Itong lalaking ito lang naman ang pwedeng pagsuspetsahan.

"Anong ginagawa mo dito?" Mataray kong utas. "Natutulog na ako istorbo ka!" Asar na dagdag ko pa. Inirapan ko siya saka asar na nag-inat at humikab.

Nakakainis naman oh naistorbo tulog ko. Makakarating na ako ng America sa panaginip ko. Inistorbo pa ng lalaking ito ang pangarap kong makapunta doon. Pati ba naman sa panaginip mapupurnada pa?

Hay naku! Kahit kailan talaga panira ng moment ang demonyong halimaw na 'to. Ano na naman ba kailangan nito sa akin? S*x na naman ba? Jusko! Pagpahingahin naman niya ang perlas ko. Kahapon pa ito pinapasukan. Baka lumuwang ng wala sa oras. Tsaka natatakot na ako sa posibleng maging resulta ng pagpapaubaya ko kay Ziel.

Pangalawang beses na kanina na may nangyari sa amin. Nakatatlong rounds pa siya sa akin. At ang masaklap, bumigay na naman ako sa may front seat ng kanyang kotse. Hindi man lamang kami umabot sa disenteng lugar. Feeling ko tuloy mababang uri ako babae na kung saan-saan nalang nagpapabutas. Ang cheap-cheap ko na ba?

Gosh! Ano bang nangyayari sa akin? Bakit bumibigay ako sa kanya ng ganito? Nawawala na ba ako sa tamang pag-iisip? Nalilihis na ba ako ng tamang landas?

"Lumayo ka nga sa akin! Lumabas kana dito!" Angil ko ng tangkain na naman niya akong yakapin. Itinulak ko siya sa kanyang dibdib ngunit nanghina lang ang mga kalamnan ko. Bumigay ang mga ito at napahaplos ako doon. Ngunit agad ko ding tinanggal ang mga palad ko ng marealize kong minamanyak ko na yata si Ziel. Bumabaliktad na yata ang sitwasyon namin. Jusko! Nakakatempt naman kasi. Ang napakamatipuno, ang tigas-tigas at---oh my goodness! Anong mga pinagsasabi ko?

"Shhh! Don't make a noise. Baka marinig ako ni Papa at mahuli akong naririto sa kwarto mo." Aniya ng pabulong. Tinakpan niya ang bibig ko at saka binigyan ako ng kakaibang ngisi.

Nanlaki ang mga mata ko sa ngising iyon. Patay! Napansin yata niya ang paghaplos ko ng pasadya sa chest niya. Ang lakas pa naman ng pakiramdam ng lalaking ito. Siguradong hindi nakaligtas iyon sa kanya.

"Ano ba kasing kailangan mo sa akin?Bakit ka naririto? Di ba may kwarto ka at doon ka dapat matulog?" Sunud-sunod na tanong ko ng matanggal ko ang palad niya sa aking bibig. Sinamaan ko siya ng tingin pagkatapos ng maamoy ko sigarilyo sa palad niya. Gross! Ang baho ng palad niya. Amoy sigarilyo!

Alam ko may pagkaadik itong si Ziel sa sigarilyo. Lagi ko siyang naiispatan sa school na naninigarilyo. Hindi niya ako tagasubaysay, sadyang lantaran lang talaga ang paninigarilyo niya. Ito ang napansin ko sa kanya. Mabuti nalang napanatili niyang mapula ang kanyang mga labi at walang masamang amoy ang kanyang hininga. Ang sarap lang niya humalik at ang tamis-tamis ng dila at la---shit! Ano bang mga pumapasok sa utak ko? Bakit puro mga katangian niya ang naglalaro sa loob ng aking utak?

Jusko! Masama na ito! Tinatamaan na ba ako sa kanya? Natilihan ako sa isiping iyon. Kinagat ko ng mariin ang aking labi at napilitan akong murahin ang aking sarili sa isip.

"Gusto kong matulog sa tabi mo. Tiyak na hindi ako makakatulog magdamag kakaisip sa iyo. Lalo na at dingding lang ang pagitan natin." Nakangisi niyang saad. Pagkatapos ay pinaglakbay niya ang kanyang paningin sa kabuan ng aking mukha. "Napakaganda mo talaga kahit saang anggulo kita tingnan." Dagdag pa niya sa mapang-akit na boses. Tinitigan niya ako ng matiim habang nakaangat ang sulok ng kanyang labi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 05, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE BEAST II: Ziel, The Devil BeastWhere stories live. Discover now