TB I. LET'S HAVE ANOTHER ROUND.

3.3K 55 2
                                    

Posted: October 28, 2014

Let's have another round.

Nananakit ang buo kong katawan ng magising ako. Alas kwatro y medya ng madaling-araw ang nakita kong oras sa suot kong relo. Nagtaka pa ako ng makita kong nasa isang hindi pamilyar na kwarto ako naroroon. Iba ang suot kong damit at may katabi sa pagtulog.

May katabi akong isang lalaki sa kama? Natilihan ako sa isiping iyon. Balak ko na sanang sumigaw ng malakas at magwala ng bigla siyang tumagilid at makilala ko ang mukha niya. Nagtataka man na katabi ko siya sa higaan ay mabilis namang napalis ng bigla kong maalala kung bakit ako narito sa kwartong ito.

Mabilis na napabalikwas ako sa kama. Sinamaan ko siya ng tingin pagkatapos. Gusto ko siyang umbagin at pagtatadyakin sa ginawa niyang pagkuha sa virginity ko. Ngunit naisip ko na ginusto ko din iyong nangyari sa amin. Wala akong dapat sisihin kundi ang sarili ko. Kung hindi ako naging marupok sa apoy na nilikha niya ay hindi ko sana naipagkaloob ang iniingatan ko.

"Aray! Ang sakit ng katawan ko." Bulong ko sarili ko habang humahakbang ako pababa ng kama.

"Ang sakit ng ano ko. Walanghiyang lalaking ito pinahirapan ang kayamanan ko." Muli kong anas ng maramdaman ko ang sakit hanggang loob. Nakatikim din muli ng matalim na irap sa akin ang lalaking masarap na humihilik sa kama. Ngunit mabilis din akong nag-iwas ng tingin ng makita kong isang itim na brief ang tumatakip sa katawan niya. Pinagpawisan ako sa nakita ko lalo na at tila kumakaway sa akin ang nakaumbok sa loob nito.

Naipilig ko ng bahagya ang aking ulo. Jusko! Ano ba 'tong mga tumatakbo sa isipan ko. Nagiging mahalay na rin ang utak ko. Dala ba ito ng natikman ko kagabi?

Naglakad ako palayo sa kama. Napapangiwi ako kapag napapadiin ang paghakbang ko sa sahig. Grabe, hindi ko alam na kapalit ng sarap na naranasan ko kagabi ay sakit ang idudulot nito ngayong mag-uumaga na.

Nakatatlong rounds pa sa akin si Ziel ng mamulatan kong nasa loob na ako ng kwarto ng condo niya. Hindi ako nakatanggi sa gusto niya dahil nadadarang ako sa kanyang mga haplos at halik. May kapangyarihan siyang pasunurin ako sa gusto niya. Nakakablanko ng utak at hindi ako makapag-isip ng matino.

Nagtaka ako kung paano niya ako naiakyat dito ng hindi ko namamalayan. Marahil, sa sobrang pagod ko sa nangyari sa front seat ng kotse niya ay hindi ko namalayan na binuhat niya ako paakyat. Di naman siguro siya nahirapan sa akin dahil magaan naman ako.

Peste! Bakit ba iyon ang iniisip ko? Dapat na akong makaalis dito bago pa magliwanag. Nakakahiya kapag may nakakitang kaklase ko dito o nakakakilala sa akin na galing ako dito sa building na ito. Iisipin nilang galing ako kay Ziel kahit hindi nila iyon isatinig sa akin. Baka isipin nila na nahuhulog na ako sa demonyong halimaw na ito.

"Asan na ba 'yung mga gamit ko? Paano ako makakalis dito ng wala akong dalang pamasahe. Walanghiyang Ziel na 'to binibigyan ako ng malaking problema. Ang sakit na nga ng katawan ko. Maglalakad pa yata ako nito pauwi sa apartment ko." Inis na lintanya ko.

Hinalughog ko ang bawat sulok ng kwarto niya ngunit wala akong makitang gamit ko. Nasa kotse niya siguro iyong bag ko at iyong mga damit na tinanggal niya sa akin.

"Letse! Anong klaseng damit ba 'tong pinasuot niya sa akin? Damit pa ito ng lagay na ito?" Himutok ko sa harap ng salamin.

Hinila ko pababa ang laylayan ng suot kong maikling bestida. Hindi ako kumportable na ito ang suot kong lalabas. Pagtuwad ko, malamang sa malamang ay kita na ang perlas ng silanganan. Sa harap naman, kitang-kita ang kambal kong Mt. Everest. Lumuwa ang mga ito at hindi kayang itago dahil mababa ang neckline ng pinasuot niya sa akin. Parang wala din akong naitago sa suot kong ito.

THE BEAST II: Ziel, The Devil BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon