TB IV. WETNESS

2.8K 59 1
                                    

Posted: November 8, 2014

A/n: Goodafternoon... Done revising.

Ang kagustuhan ni Ziel ang nasunod. Wala akong nagawa kundi sumakay sa kotse niya at hintaying umandar ito. Kahit magwala naman kasi ako ay wala din namang saysay. Papagurin ko lang ang aking sarili at bibigyan ko pa siya ng kasiyahan na makita akong nagmamaktol.

Sa condo na naman ba niya ako dalhin? S*x na naman ba ang gusto niyang mangyari? Wala ba siyang kapaguran? Kasi ako hanggang ngayon ay pagud na pagod pa. Pakiramdam ko nga napakabigat ng katawan ko. Tila magkakasakit ako dahil masakit ang aking mga kalamnan at kasu-kasuhan.

My God. Hindi pa nga naghihilom ang sakit ng pagkababae ko. Dadagdagan na naman ba niya ang pananakit nito? Pagpahingahin naman niya ako. Maawa naman siya sa akin.

"Mas gumaganda ka kapag nakasimangot. Mas naiinlove tuloy ako ng husto sa'yo." Wika niya ng kampanteng makaupo na sa driver's seat. Nakatunghay siya sakin at pilyong nakangisi.

Hindi ko napigilang mapasinghap sa sinabi niya. Nagwawala ang puso ko sa aking dibdib. Ewan ko ba kung bakit bigla nalang ito nagwala.

Mas nadagdagan pa ang pagwawala nito ng mapansin kong napakalapit ng mukha namin sa isa't isa. Tapos amuy na amoy ko pa sa kanyang hininga ang toothpaste na gamit niya. Naeengganyo tuloy akong singhutin ito. Hilain ang kanyang batok at halikan siya ng mapusok. Ngunit hindi ko kailangang magpadala. Bibigyan ko lang ng kasiyahan ang demonyong halimaw na 'to.

"Tse! Hwag mo akong bolahin! Pwede ba paandarin mo na ang sasakyan mo ng mawala na sa paningin ko ang masasakit na tingin ng mga die hard fans mo!" Pilit na pagtataray ko. Lumayo ako sa kanya at pilit na pinakakalma ang aking sarili.

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit lagi nalang ganito ang nararamdaman ko? Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko.

Yumuko ako ng bahagya para itago ang pamumula ng aking pisngi. Alam kong nakatitig pa rin siya sa akin. Ayokong makita niya na naapektuhan ako sa mga sinasabi niya. Isipin pa niya na nagugustuhan ko na rin siya.

"Tsk! Don't mind them! Gusto mo tusukin ko isa-isa mga mata ng mga babaeng iyan?"

Napatuwid ako ng upo sa sinabi niya. Asar na tinapunan ko siya ng tingin at hinanap sa kanya ang kaseryosohan ng kanyang sinabi. Nang makita kong medyo napapangiti siya ay napailing nalang ako. Loko talaga ang lalaking ito. Tusukin ba naman daw?

"Ano babe? Baba na ba ako para tusukin mga mata ng mga hipon na 'yan?" Wika niya ng wala siyang marinig na tugon sa akin.

"Ang sama mo talagang lalaki ka! Porke gwapo ka mamatahin mo na 'yang mga babaeng nagkakagusto sa'yo? For your information Mr. Kim. Tao po ang mga 'yan hindi hipon! So do respect them!" Mataray kong saad. Pinandilatan ko siya at saka tiningnan ng masakit. Ang dami pa sinasabi hindi nalang niya paandarin ang sasakyan ng makaalis na kami dito.

Nakakainis! Makapanglait parang napakaperpekto ng mukha niya. Gwapo lang naman siya at hot.

Aw! Did I say he's gwapo? Paktay kang bata ka Fiona! Pinuri mo ang mahangin na lalaking ito. Baka maging bagyo na 'yan at ilipad ka.

"Babe...matalinghagang salita 'yan para itago ang tunay na kahulugan." Humahagikgik na sabi niya. Nagsalubong ang kilay ko. Alam ko namang matalinghagang salita iyon. Ang ibig kong sabihin doon ay hwag siyang manlait.

"And...Fiona babe. Did I heared it right? You call me GWAPO?" Maluwang ang ngisi sa labing usisa niya. Pinagdiinan pa talaga niya ang salitang iyon.

I rolled my eyes and crossed my arms. Napamura din ako sa aking isipan. Sabi ko na nga ba magrereact ang unggoy na ito.

"Wala akong sinabi noh! Nabingi ka lang!" Sabay irap.

THE BEAST II: Ziel, The Devil BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon