Is it him?

2 0 0
                                    

"Goodmorning anak!" Ginising si Nami ng mama niya habang binubukas ang bintana.

"Goodmorning din ma." Inaantok pa rin siya. Di niya alam kung bakit pagod na pagod siya eh wala naman siyang ginawa kagabi.

"Anak, di mo ba alam ? It's already 9 mag breakfast ka muna. "

"Mamaya na ma. Inaantok pa ako." Matutulog na sana siya pero pinagalitan siya ng mama niya.

"Nami, wala ka bang planong pumasok? Ha?"

Dinilat niya kaagad ang mata niya. "Shoot!" Tiningnan niya ang orasan, 9:15 na. "May exam pala kami ngayon." Nagkamot siya ng ulo tapos nagmadaling pumasok sa cr para maligo.

"Ano? May exam kayo? Ikaw talagang bata ka! Hindi dahil kaarawan mo kahapon, hindi na kita pagagalitan. Jusko! Itatakwil talaga kita kapag pinagpatuloy mo pa yan." Talak ng mama niya sa kanya.

"Huwag naman ma. Anak niyo ako at halata naman yun." Parang kidlat ay natapos na siyang maligo. By the power of adrenaline rush. Nagbihis na siya at nag-ayos ng mga gamit.

"Bumaba ka at kumain." Umalis ang mama niya.

"Sige ma." Patuloy lang siya sa pag-aayos ng mga gamit niya.

Narinig niya na may kausap ang mama niya sa baba. "Sige iho, mag-ingat ka. Don't hesitate to comeback, you're always welcome here." Masayang tugon ng mama niya. Kausap nito ang anak ni Tita Beth niya na si Carl.

"Salamat po uli sa pag-inbita sakin dito." sabi ni Carl.

"Walang anuman. Ahh nga pala sa'n ka nakatira ngayon?"

"Sa papa ko po." Broken family kasi ang status ng family ni Carl.

"Ahh sige ingat ka iho ha?"

Saktong bumaba si Nami galing kwarto at tiningnan siya ni Carl. "Salamat po. Ahhh by the way, belated happy birthday nga pala." He smiled at Nami. Ngayon lang kasi siya nakabati ng happy birthday kay Nami. Kasi away lang ang nagawa nila kagabi.

"Salamat." Walang ka buhay-buhay na sabi ni Nami. Pumasok na siya sa dining room at kumuha ng Slicebread at baon niya. "Ma, una na po ako. I'm very late." Hinalikan niya ang pisngi ng mama niya. Saka nilampasan si Carl.

"Bye anak!" saka kumaway ang mama niya.

"Ako rin po tita. Bye po." Lumakad na rin si Carl.

"Bye sa inyong dalawa!" Si Nami ay lumiko sa kanan at si Carl sa kaliwa. "Matawagan nga ang kumare ko Ha-ha!" She closed the door and dialed Beth's number. "Hello ? Best? I have a good news!" Masayang-masaya ang mama ni Nami sa di malamang dahilan.

Naglalakad lang si Nami sa kalsada patungong eskwelahan niya. Dumaan kasi siya sa shortcut to save 10 minutes. Napaka-short talaga nito.

Nang nasa harap na siya ng school nila. May lalaking lumampas sa kanya na naka-bike. Parang pamilyar sa kanya ang likuran nito. Sakto namang tumigil ito sa unahan at tama nga siya. Eto ang lalaking matagal na niyang pinapantasya, si Lyle John Buenavista.

Bigla siyang napatigil sa paglalakad. Tinitigan kasi niya itong nakikipag-usap sa mga kaibigan nito.

"Ang gwapo mo talaga." Fantasy OVERLOAD.

"Hoi! Nami!" Tinawag siya ni Sarah na nasa gilid ng gate. "Dali na, magsta-start na ang exam."

Natauhan siya bigla at nagmadaling pumasok.

"Oi, Ms. Nami. Good to see you again." sabi sa kanya ng guard. Lagi nalang kasi siyang late kaya nga kilala na siya nito.

"Kuya, shhhh wag kang maingay. Pasok na ako ha?" Saka sabay silang pumasok sa building ni Sarah.

MISTAKEN IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon