)Happily ever after turned to a disaster.

18 0 0
                                    

"Ano ka ba Nami? Plano mo ba talagang tingnan ang sarili mo sa salamin buong araw?" Saway ni Nina sa pinsan.

"Konti nalang to matatapos na to." Sagot ni Nami habang inaayos ang pekeng eyelashes

"Pag nasobrahan na yang make-up mo Nami, promise hindi na kasal ang pupuntahan mo ngayon kung di isang halloween party. Para ka nang baklang ewan kakalagay ng make-up diyan."

"Eto na, tapos na.Maganda na ba ako cuz?" Sabi ni Nami matapos iligpit ang mga gamit at nag-pose na parang model.

"Syunga ka talaga. Kahit walang make-up, maganda ka pa rin kaya halika na." Inabot niya ang bulaklak kay Nami.

"Totoo ba talaga ito Nina?" Saka tinanggap ang bulaklak at inayos ito. "I mean, maybe this is all a dream. Maybe later I'll wake up and all of this will be gone. I would be really sad."

"Ano? Tapos na? Tapos ka na bang mag drama diyan? Etong babaeng to. Tandaan mo Nami, today is your day at walang pwedeng sumira nito so stop this and let's go."

"You're right! Love you cuz." Nag-akapan ang mag-pinsan.

"Oh sige na mamaya na tayo mag emote. Sumunod ka na ha?" Lumabas na si Nina sa kwarto.

Tiningnan ni Nami ang sarili sa salamin. "Nami, eto na. Eto na talaga, ikakasal ka na. Parang kailan lang nung una kaming nagkita ni Lyle. Magiging Mrs. Fuentes ka na."

Lumabas na rin siya sa kwarto at sinalubong siya ng papa niya sa labas. "Oh anak, tara na?"Her father lend her his hand.

"Yes pa." She smiled dearly.

(Nami's POV : I can't believe this. This is the most important day of my life. Ikakasal na ako. Readers please pray for me haha este please wish me luck baka mag-collapse ako mamaya. ^-^)

Insert --- All of me instrumental
While walking on the isle...

"Pa? Sa'n po si mama?"
Usually kasi sa kasal, ang mga magulang ng bride ang kasabay nitong naglalakad patungong altar pero wala ang mama niya.

"Andun oh." Sabi ng papa niya sabay turo sa mama niya.

Nakita niya ito sa may harapan ng altar at umiiyak. "Alam mo naman ate na iyakin iyan kaya hindi niya magawang maglakad kasama natin kasi baka humagulgol ng iyak ang mama mo makakuha pa siya ng atensyon. Mahiyain pa naman iyan." Napangiti siya sa ginagawa ng mama niya.

"Nami?" Maya-maya'y sabi ng papa niya.

"Yes pa?"

"Handa ka na ba? Deal or no deal?" Tawa-tawang tanong ng papa niya sa kanya.

"Papa naman oh pinipressure pa ako. Syempre naman pa. Yes, it's a deal."

"Sige na i-save mo na yang yes mo sa kanya." Nginunguso nito si Lyle.

Tumingin siya kay Lyle, at nag-abot ang mga mata nila. "Huwag ka munang tumingin sa kanya anak. For the meantime tayo muna ang magmomoment ngayon."

"Ha-ha. Papa talaga." Natatawa nalang siya sa mga sinasabi ng papa niya. Mismo siya hindi makapaniwalang ikakasal na siya.

"Seryoso ako anak. Hindi ako makapaniwalang ikakasal na ang unika-iha ko. Naiiyak na ako. " sabi nito habang nagdra-drama.

"Pa, ang totoo? Sino ba ang ikakasal ngayon? Ha-ha."

(Nami's POV: Haha. It really runs from the blood. Nagmana ako sa papa kong dramahin.)

"Eh kasi, kukunin ka na samin ni Lyle, yung Kuya mo parang walang planong mag-asawa saka si Bobby hindi ko ma gets. Ganyan ba kayong mga nagdadalaga at nagbibinata?"

MISTAKEN IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon