Oops! My Mistake

20 1 0
                                    

Nangyari na ang nangyari, hindi mo kasalanan yun Nami. Nami said inside her head.

"Sige iwan na muna kita iho, Nami asikasuhin mo muna siya. Kukuha muna ako ng makakain niya." Umalis na ang mama ni Nami which leaves the two of them alone.

Ok. This, is awkward. Ano ba'to? Mag-so-sorry ba ako ? Ah. Hindi hindi. He deserves it. Talking to herself again.

Aalis na sana siya at iiwan si Carl pero nagsalita ang lalaki. "Hey you! Wala ka bang sasabihin sakin?"

Alam niya kung anong ibig-sabihin nito pero Nami is strong at malakas ang pride niya. Sa lakas nito kaya nitong magpaputi ng damit na puno ng putik. (Author: ok, hihinto na ako sa ka cornyhan ko haha)

Tumigil siya sa pag-lakad at hinarap ang lalaki, which was a bad thing. Mas naaninagan kasi niya ang buong pag-mumukha nito. Ang gwapo pala nito.

Hello?! Earth to Nami?! Hindi ,hindi siya gwapo.

"Ang gwapo mo." Hindi niya namalayan ng biglang bumuka ang bibig niya. Did I just said that? Eeeee kadiri ka Nami.

"Anong sabi mo?" Tanong ni Carl. Narinig naman niya ito pero hindi siya sure if iyon ba talaga iyon.

Nami composed herself. "Ano naman ang sasabihin ko?" Denial mode.

Hindi nalang inintindi ni Carl ang narinig niya kumbaga ibinaon nalang niya ito sa kailalimlaliman ng utak niya. May kasalan ang babaeng ito sa kanya at hindi niya palalampasin iyon. May pride din siya at ang lalaki may pinahahalagahan na image.

"Oh common, hindi mo ba nakita ang ginawa mo sakin?" Sabay turo sa namamagang mukha.

"Oh! That?" Nagkunwari pa siyang hindi niya alam. "Di ko alam na boxer pala ang anak ni Tita Beth. Oops! My mistake hindi pala, mang-aagaw pala ng taxi." pagsusungit niya.

Although alam niyang may kasalanan siya at kailangan niyang mag sorry pero sinusungitan kasi siya eh kaya wala. Walang sorry ang magaganap.

Naguluhan si Carl sa sinabi niya. "Excuse me? I was the first one who called that taxi. You! You did ---" Hindi natapos ang sasabihin ni Carl ng dumating ang mama ni Nami na ikinasaya naman ni Nami.

Ma, you're my savior thank you!

"Pasensya kana iho, ang daming ng tao sa dining room dito ka muna kumain." Linagay nito ang pagkain sa mesa at pinapasok si Carl sa isang couch na nasa malapit lang.

Nasa kabilang side kasi ang sala nila Nami. Medyo malaki kasi ang bahay nila at pagpasok mo pa lang ay hindi pa sala ang sasalubong sa mga bisita kung di isang malaking kwarto na kung tawagin ni Nami ay ang mahiwagang hallway ng mga guest. Hallway na malaki.

Babalik na sana siya sa mga kaibigan niya. "Nami? San ka ba pupunta? Mag-usap muna kayo ni Carl." sabi ng mama niya.

"Tapos na kaming mag-usap ma. Balik na ako dun. Bye." Wi-nave pa niya ang kamay niya.

"Hana Minami Lumuarde? Anong sabi ko?" Alam na ni Nami na hindi siya makakatakas. Kapag tinawag na siya nito sa full name niya. Wala na siyang kawala pa.

"Opo ma" Tapos umupo siya sa kabilang couch with a long face.

"Good, now I'll leave you two again. Alam mo namang walang kakilala yang si Carl dito kaya pagbigyan mo na."

Napansin ng mama ni Nami ang pasa sa mukha ni Carl.

"Ahm. Iho, kung hindi mo mamasamain. Nakipag-away ka ba habang papunta ka dito?" tanong ng mama ni Nami.

MISTAKEN IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon