Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Ngptkso 06

153K 3.7K 654
                                    

Ngptkso 06 // Marry Your Mother

Sa twenty-one years ko sa mundo, hindi ko kailanman sinabing mabait ako. That's because I like to do things my own way. Kapag sinabi sa aking bawal, mas ginagawa ko 'yun. Kapag alam kong bawal, mas gusto kong gawin 'yun.

When I was a graduating in high school, I met a guy. Unang pagkikita lang namin sa isang gig, may something na. That went on for months. . . the next thing I knew, we were naked in bed, kissing as if it's the end of our lives. Pagkatapos magpalitan ng pawis at laway, may tumawag sa phone niya. Nagpaliwanag pa siya, natakot na bigla ko siyang iwan. Ilang beses niyang sinabi na kapatid niya 'yun, ate lang niya – sweet lang sila sa isa't isa kaya 'bae' ang pangalan sa phone.

Hindi ako tanga, syempre.

Pero mahilig ako sa bawal.

For eight months, si Sinteya Yeo na kaka-sixteen lang ay sumubok ng bawal na relasyon bilang isang kabit. But the thing is, hindi siya nagkulang sa akin. And I'm not a whiny girlfriend so wala siyang problema kung hindi man kami magkita ng isang linggo o buwan. Kung cold sila ng asawa niya, wala akong problema kung gusto niyang magpainit sa akin. Kung sinusukahan siya ng anak niya, wala akong problema kung gusto niyang paliguan ko siya.

Maraming nagtataka kung bakit maraming kumakabit sa may asawa na – at ang sagot ko? Magaling kasi ang mga may asawa na.

Pagkagraduate ko sa highschool, nakipag-break din ako dahil nakakasawa maging kabit kung hindi naman alam ng original. Walang spice. Gusto ko man magkaroon ng spice, natatakot 'yung lalaki. Halos umiyak at lumuhod sa akin para huwag kong sabihin. Ang corny lang. And yes, until now – I'm still open on becoming a mistress, for the fun it will bring to my good ol' boring life. But when Javier looked at me that night – nawala ang lahat ng kagustuhan ko maging mistress.

"He's Erica's boyfriend for Pete's sake!"

Kumunot ang noo ni Unica at kumagat sa chicken niya. "Sino ba 'yang Pete na 'yan at puro sake na lang niya ang pinag-uusapan?"

Nasa cafeteria kami ni Unica para sa lunch break. I told her what happened two nights ago with Javier and her only reaction was to eat her chicken and ask who the hell Pete is. I don't know who the hell that Pete is!

Tinaasan ko siya ng kilay.

"What?" Ngumuso si Unica. "You're The Sinteya. Baka mauna ka pang landiin 'yon bago ka pa niya malandi."

"But what about Erica?" I asked. "Sasabihin ko, 'uh, yeah, Erica. Javier is I think flirting with me.' C'mon Unica, Erica's happy. I can't risk her happiness."

"Makikipaglandian ka ba kay Javier?"

"Hell, no!"

"Ayun naman pala, eh."

"But—" Natigil ako sa pagsasalita nang may lalaking lumapit sa likuran ni Unica. Ang una kong napansin ay ang geeky glasses niya. By the look of the glasses, malamang bulag na ang lalaking 'to kapag tinanggal 'yun. Akala ko dadaan lang or something 'yung lalaki pero nanatili lang siyang nakatayo. Nagkatitigan kami. Nag-iwas siya ng tingin. Nilingon ni Unica ang tinitingnan ko.

"Oh, andyan ka na pala!" Unica said to the guy. "Nasaan na pinapagawa ko sa'yo?"

May kinuhang folder ang lalaki sa bag niya at binigay kay Unica. Nasilip kong research paper ang nandoon. Tiningnan ni Unica ang mga papel at binasa kaunti.

"Solid nito. Nagawa mo ng dalawang araw lang?" nakangiting sabi ni Unica. "Hanep. Pwede ka na umalis."

Ngumiti 'yung lalaki na parang nahihiya kaya naging ngiwi ang itsura. Pagkalakad niya palayo, agad kong tiningnan si Unica na mukhang tuwang-tuwa sa hawak niyang ilang pages ng research paper.

Nagpatukso (NagpaSeries #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon