Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

Ngptkso 02

220K 5.2K 974
                                    

Ngptkso 02 // Game of Spoons

If I could be an object for a day, I'll be willing to be the spoon of Sir Marco. Lalo na kung sinusubo niya. Nakaupo ako sa cafeteria at katapat ng table namin ang table ng mga professors. Minsan lang magpunta dito ang mga professor. At ang swerte kong katapat ng inuupuan ko ang pwesto ni Sir.

Nakasubo lang ang kutsara sa bibig niya. Napangiti ako, just by imagining that I'm that one particular spoon. Matapos ng ilang segundo, lumingon siya sa pwesto ko. With the spoon between his lips, he smiled at me.

Nginitian ko rin siya.

Umiling siyang nakangiti at tinuon ang pansin sa kwentuhan nila ng iba pang professor.

"Bakit ba ang hot ni Sir?"

Natawa sa sinabi ko si Unica, busy sa paglalaro ng Candy Crush. Kanina pa nga siya nababadtrip at nagmumura dahil laging 'isa na lang, eh!' ang moment niya. "Grabe namang pagnanasa 'yan, hanggang cafeteria."

Ngumiti ako. "Ano kayang feeling maging kutsara niya?"

Lalong natawa si Unica at tumingin sa akin. Ito na naman siya sa tawa na nagpapapansin sa lahat kaya pati ang mga professors, napatingin sa pwesto namin. "Shit ka, Sin! Next time alamin natin anong feeling maging condom niya."

"You think nakipag-sex na siya?"

Umirap si Unica at tinigil muna ang paglalaro ng Candy Crush sa iPhone niya. "Duh, sa itsurang 'yan?" Nilingon niya si Sir. "Baka nga may supplier ng condom 'yan, eh." Sabay kami ni Unica na tumingin sa pwesto ng mga professors. Nakatingin sa amin si Sir kaya tumango si Unica. Tumango din si Sir.

Lumapit si Unica sa akin at medyo tinulak ko siya.

"The hell! Nao-obvious ni Sir na pinag-uusapan natin siya."

Pero bago pa ako makalayo kay Unica, hinatak niya 'yung ID ko kaya mas lalo akong napalapit. "Sin, huwag kang mag-alala. Halos lahat naman ng babae dito sa caf, pinag-uusapan siya. Kapag nalaman niyang pinag-uusapan natin siya, sa atin nakatutok atensyon niya."

Sinundan ko ang pagtingin ni Unica sa paligid and yeah, she's right. May ilang babaeng nakatingin kay Sir, may ilan ding nagtatawanan. Sa isang gilid, parang kinukuhanan pa ata ng litrato si Sir. Hindi na talaga ako nagtataka. Kulang na lang pagkaguluhan siya para magmukhang artista, eh.

Pagtingin ko kay Sir, sumubo ulit siya. Ugh, why can't I be the spoon, really?

Kinailangan na namin maghiwalay ni Unica dahil next class na niya. Ako, one hour pa. But before we went our separate ways, nakatingin sa iPhone siyang nagsalita.

"Tara sa condo mamaya," nakangiti niyang sabi. Nagtaas-taas siya ng kilay and I'm sure something is up. Pagtanong ko kung ano, sinagot lang niya ako ng "basta! Kitakits sa may entrance."

Fine. After my class an hour and a half later, naglakad na ako papunta sa entrance. Hindi na ako nag-retouch dahil pauwi na rin naman na sa condo ni Unica. She lives alone, to be independent, she said. Pero ang alam ko, hindi pumapayag sa ganitong set-up ang Mommy niya, so may katulong, si Ate Nena.

Pero dahil Unica is the sneaky little princess, kakuntsaba niya si Ate Nena. Mabait din naman si Ate Nena at may sariling mundo sa cellphone na binili ni Unica para sa kanya. Ka-text ang boyfriend sa katapat na building ng condo ni Unica.

"Miss."

Nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Hey Miss!"

Bago pa ako makalabas, someone grabbed my arm from behind. Mahigpit! Dahil sa defense mechanism, siniko ko ang humawak sa akin. Bumitaw naman agad sa akin kung sino man 'yun at napa-'aw' pa.

Nagpatukso (NagpaSeries #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon