Part 3

15 0 0
                                    


Faye's POV

Napatingin si Faye sa lalaking katabi sa kama na nakadapa at walang pang-itaas na damit. Tumingin siya sa relong pang-bisig at alas-kwatro y media na ng hapon at malapit nang dumating ang kaniyang ina sa condo nila.

Itiniklop niya ang librong binabasa at bahagyang inihampas iyon sa balikat ng lalaki.

"Gising na, parating na si mommy," bahagya rin niyang niyugyog ang katawan nito.

Zig just let out a soft grunt. Mahirap talagang gisingin ito sa pagkakatulog.

Maaga itong dumating galing sa paglalaro ng basketball dahil inaantok pa rin daw ito at gustong magpahinga bago dumating ang mommy ni Faye.

"Mag-ayos ka na ha! Maliligo na ko, 4:30 na!" Naiinis na tumayo si Faye at hinampas ng kamay ang pang-upo ni Zig bago lumabas ng kwarto nito.

May sarili siyang kwarto ngunit kapag araw ay nanggugulo siya sa kwarto ng binata at doon nagbabasa. Dahilan kung bakit nang nagdaang gabi ay nakita na naman niya itong may ka-sex nang kunin niya ang naiwang libro sa kwarto nito.

Si Zig ay kababata niya at ngayon ay engaged upang maging asawa niya pagtuntong niya ng wastong edad ng pagpapakasal.

Habang naliligo ay hindi niya maiwasang maalala ang mga nakita ng nagdaang gabi. Wala pa siyang karanasan sa ganoon at sa tingin niya'y masakit ang ginagawa ng binata sa babae kaya't napangiwi na lamang siya.

Halos ilang buwan na rin silang magkasama sa iisang condo ni Zig kung kaya't sanay na sanay na siya sa mga pinaggagagawa nito. Hindi pa man sila magkasama sa bahay ay alam na niya ang pagiging chick boy nito dahil pareho sila ng school na pinapasukan at basketball player ito roon. At malamang ay hindi lang basketball ang binobola nito. Tsk!

Matapos maligo at magbihis ng maayos na damit ay muli siyang bumalik sa kwarto ni Zig upang tingnan kung kumilos na ba ito.

"Senyorito baka naman tulog ka pa ha—?" Humigpit ang hawak niya sa door knob nang pagbukas niya ng pinto ay siya naman pagtanggal nito ng tuwalyang nakapulupot sa bewang. Bumuka ang bibig niya ngunit agad ring isinarado iyon at mabilis na isinarado ang pinto.

Napalakas iyon kaya't sumigaw nalang siya sa labas na bilisan na ng binata.

Marahas na ipinilig niya ang ulo upang burahin sa memorya ang nakita at alisin ang init sa kaniyang tainga.




Masayang nag-uusap ang mommy ni Faye at si Zig sa sala habang siya naman ay nakaupo katabi ng ina at nagbabasa ng libro at nakahilig sa balikat ng ina. Nakataas rin ang dalawa niyang paa at nakatiklop sa gilid ng sofa.

"Didi, act like a lady." Mahinang bulong sa kanya ng ina nang mapansin ang pwesto niya.

Mabilis naman niyang inayos ang upo at wala sa sariling napatingin kay Zig. Nakatikom lang bibig nito at mukhang hinihintay lang na bumalik sa kaniya ang atensyon ng ina ni Faye.

Sobrang malapit ang dalawa dahil na rin mula pagkabata pa lang ay nagsilbi nang pangalawang ina ni Zig ang mommy niya. Wala kasi itong kinalakihang ina, sabi ng ama nito ay nasa ibang bansa at may iba nang pamilya.

"Zig, anak, kumusta kayong dalawa rito?" Tanong nito sa binata nang ibalik rito ang atensyon.

"Okay naman mommy, sanay naman po kaming laging magkasama kaya hindi naman na po kami nanibago." Mommy rin ang tawag nito sa mommy niya dahil sa kagustuhan na rin ng ina.

Simula nang i-draft ang memorandum of agreement tungkol sa magaganap na kasal dahil sa kasunduan ng business partners nilang mga magulang ay pinatira na sila ng mga ito sa iisang bubong.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Full-Time Fucker BoyfriendWhere stories live. Discover now