Part 1

13 0 0
                                    

Zig's POV


"Kinakausap kita. Stop disrespecting me, young man." Ibinaba niya ang hawak na cellphone at walang emosyong humarap sa ama. Nasa opisina siya nito dahil ipinatawag siya nito upang diktahan at pagalitan na naman siguro.

Hindi siya nagsalita kaya't nagsalitang muli ang ama.

"Can't you, even for once, be serious with studying? Nakakahiya sa management ng school mo ang feedbacks na naririnig ko."

Hindi pumapasok sa isip niya ang sinasabi ng matanda ngunit alam na niya iyon dahil ito lagi ang pinag-uusapan nila.

"I'm doing what I can." Simpleng sagot niya. Ayaw na niyang humaba ang usapan dahil alam naman niyang hinding hindi siya mananalo.

"Then what you're doing is not enough!" Malakas na sabi nito na nagparindi sa kaniyang pandinig.

"Zigger Nzo, you're the future of all of these," Iminuwestra nito ang mga kamay sa paligid ng opisinang napakalaki. "Paano ka nalang kapag wala na ako? Saan ka pupulutin?"

Kaya ko ang sarili ko. Bulong niya sa isip.

"Male-late na ako sa class ko, Dad. Can I go now?" Sabi niya pagkatapos tumingin sa pambisig na orasan. Truth is, wala na siyang klase pagkatapos ng huling klase niya bago ipatawag ng ama.

"Bullshit, Nzo! I made sure to call you after your last class for today. Bakit ba napaka-sinungaling mong bata ka?" Wala na siyang nagawa kundi ang bumuntong hininga at sumandal sa visitor's chair ng ama. Wala na, talong-talo na siya. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at nagbukas nalang ng messenger.

"Tara mamaya." He sent a group message with his closest friends.

Narinig niyang bumuntong hininga ang ama niya kaya't nag-angat siya ng tingin. Hinihimas nito ang sintido at matalim siyang tiningnan.

"Get lost, Zig. You're making my blood boil." Madiing sabi nito kaya't tumayo na siya at dire-diretsong lumabas ng opisina nito.


"WOOOOH!" Napuno nang sigawan ang buong lugar. Kanina pa sila umiinom ng mga kaibigan at akala niya'y wala nang isasaya pa ang gabing ito. Dumating ang mga kabarkada niya na may mga dalang alak at pagkain— surpresa para sa kaarawan niya.

Nang ayain niya ang mga ito'y dahil lang gusto niyang mag-inom upang takpan ang pagkayamot sa ama. Hindi niya akalain na magcecelebrate sila dahil wala namang masaya sa birthday niya. Sa isip niya'y ni hindi nga sya binati ng kaniyang ama.

Napatitig si Zig sa babaeng nagsasayaw sa kaniyang harapan na ngayon ay naghuhubad ng kumikinang nitong bra. Maganda ito at makurba ang katawan-- dapat lang, dahil trabaho nitong panatilihing kaaya-aya ang hitsura.

"Dahil birthday ni Zig, pagbigyan! Cheers!!!" malakas na sigaw ng kaibigan niyang si Chord sabay taas ng baso nitong puno ng beer.

"Cheers!" Sabay sabay na itinaas nilang magbabarkada ang mga baso.

"Lapitan mo na! Lapitan mo na!" Pagkuwan ay tukso ng mga kaibigan niya sa kanya.

Nangingiti siyang tumayo at lumapit sa babae. Nang tumigil siya sa harap nito, tumalikod ito sa kanya at bahagyang yumuko. Ikiniskis nito ang puwitan sa kanyang pagkalalaki.

Putangina. He cursed under his breath.

Hinawi niya ang buhok na tumatabing sa batok ng babae at ibinaba ang mukha niya upang singhutin ang amoy nito. Napapikit siya sa bango.

Parang may isip naman ang kamay niyang pumulupot sa tiyan ng babae at sinapo ang mabibilog nitong mga suso.

"Woah!!!" Narinig niyang sigaw ng mga kaibigan. That's how confident he is with his manhood-- with or without other people around, he can do nasty stuff.

The Full-Time Fucker BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon