Part 2

11 0 0
                                    

Zig's POV


Ibinukas ni Zig ang mga mata ngunit nakaramdam siya ng matinding sakit ng ulo kaya't muli siyang napapikit. Ilang oras pa siyang nakatulog ngunit naalimpungatan nang maramdamang yumugyog ang hinihigaan.

"Hey, hey..." Boses ng isang babae iyon at kinukurot kurot siya sa braso.

Hindi pa rin siya makadilat sa sakit ng ulo nang maramdaman niyang may humihila sa kaniyang buhok.

"Shit!" Malakas na sigaw niya dahil lalong nanakit ang kanyang ulo sa paghila nito.

Pinilit niyang idilat ang mga mata at naabutan niya si Faye na nakadapa sa tabi niya at nakalabi— dahil siguro sa pagsigaw niya.

"Ano ba 'yon?" Malambing na ungot niya rito at muling pumikit. "Gusto ko pa matulog."

"Tawagan mo si ate Ines, palinis mo 'tong condo, dadating mommy ko."

"Ugh... tsk," wala sa isip niyang sabi dahil masakit pa rin ang kaniyang ulo.

"Sige na," rinig niyang bulong ng babae sa kanya at nakaramdam siya ng maliliit na halik sa kaniyang pisngi. "Please?" dugtong pa nito at hindi pa rin itinitigil ang paghalik sa kaniya.

Putangina. Hindi niya maiwasang magmura sa kaniyang isip. Napaka-sarap sa pakiramdam niya ang ginagawa ni Faye.

Dumilat siya at tumitig rito. Ikinurap-kurap niya nang marahan ang mata upang mag-adjust sa liwanag ng paligid.

Sinapo niya ang dalawang pisngi ng dalaga at bahagyang pinisil iyon at pinanggigilan.

"Heto na po senyorita." Ngumisi naman ang dalaga at umalis na sa pagkakadapa sa kama.

"Okay! Thanks! Wash up ka na, oorder akong coffee." Masayang sabi nito at lumabas na ng kwarto.

"Argh!" Naabot ng kamay ni Zig ang isang unan at naiinis na itinapon iyon sa dingding. Napabuntong hininga na lamang siya at mabilis na tumayo upang pumunta sa banyo.

"Putang ina ang hirap." Pagkausap niya sa sarili at wala na siyang nagawa kundi ang pawiin ang namutawing init sa katawan sa pamamagitan ng pag-shower ng malamig na tubig. Sa simpleng mga halik ni Faye ay tinigasan siya but he can't do anything about it.



Lumabas si Zig sa kwarto at naabutan si Faye na nakaupo sa bahagi ng pang-dalawahang sofa na walang kalat at nagbabasa ng libro.

Napatingin ito sa kanya at parang nanunudyo na ngumiti at itinaas pa ng paulit ulit ang mga kilay.

"Good na good ang morning ng birthday boy." Nakangiti pa ring sabi nito.

Kinuha niya sa bulsa ang cellphone at nang makarating sa sofa ay hinawi ang mga kalat na gawa ng nagdaang party kagabi at tumabi ng upo kay Faye. Inihilig niya ang ulo sa balikat ni Faye habang nagtitipa sa cellphone ng numero ng katulong nila.

"Sakit ng ulo ko," tanging sagot niya lang dito.

"Aling ulo?" Tanong nito saka bumungisngis. Tiningnan lang niya ito nang masama at itinutok ang cellphone sa tenga nang makitang sumagot na ang tinatawagan niya.

"Shhh," saway niya kay Faye at itinuon ang pansin sa kausap, "Ate Ines, palinis naman ng condo namin ngayon na. Darating si tita eh."

Hindi pa natatapos ang usapan nila ng katulong ay may nag-door bell at mabilis na tumayo si Faye. At dahil nakasandal siya rito, bumuwal sya sa sofa at nakaramdam ng kaunting kirot sa ulo dahil pa rin sa hangover.

The Full-Time Fucker BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon