THE BEAST II: Ziel, The Devil Beast

5.1K 76 3
                                    

Posted: August 16, 2014

"Hindi ko matatanggap ang inaalok mo Ziel." nakayukong wika niya.

Iniabot niya ang hawak niyang bulaklak saka box ng chocolates sa akin. Saka nakayukong tinalikuran ako.

"Sandali Fiona!" pigil ko sa kanya. "A-Ayaw mo ba ng mga ito? Ano ba ang mga gusto mo? Necklace, car or condo unit?" Tarantang wika ko habang mahigpit ko siyang pigil sa kamay.

This is my chance na lapitan siya, bakit ko pakakawalan ang ganitong pagkakataon?

Ang hirap niya lapitan dahil sobrang mailap siya sa akin. Ni hindi nga niya ako matapunan ng tingin dahil parang pakiramdam ko hindi ako nag-eexist sa mundo niya. Hindi niya ako nakikita at napapansin.

"Wala akong gusto Ziel! Please bitawan mo ang kamay ko! Bitawan mo'ko!" asik niya sa akin.

"Hindi kita bibitawan kung 'yan ang gusto mo." Inis na turan ko.

Kinaladkad ko siya papuntang parking lot habang walang tigil ang paghihisterya niya. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante ngunit wala akong pakialam kung ano ang isipin nila. Hwag lang nilang subukang makialam dahil makakatikim sila sa akin.

"Ziel! Ano ba!" Patuloy niyang pagpipiglas.

Nakikita ko ang matinding galit sa mukha niya ngunit binalewala ko iyon. Itinulak ko siya papasok sa kotse ko at agad itong ni-lock. Umikot ako papuntang sa driver's seat saka umupo.

"S-Saan mo ako dadalhin?" Garalgal ang boses na tanong niya.

Nilingon ko siya ng mai-start ko ang kotse.

"Sa langit lang naman."

THE BEAST II: Ziel, The Devil BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon