Sa Ayaw at sa gusto ko

240 14 12
                                    

Sa Ayaw at sa gusto ko

 sweetblues025


Gusto kita, 'yan ang nais kong sabihin sa'yo

Pero hindi ko magawa, dahil baka ikaw ay lumayo

Ang tanga ko kasi, bakit hindi ako nadala

Alam ko naman sa iyo'y walang mapapala



Sa sakit kong nadarama, ang sarap nalang mapa-mura

Lintik na pag-ibig 'to, walang sumalo kaya ako'y nadapa

Sino bang nagpa-uso nito, mabubugbog ko talaga

Nang dahil dito, pakiramdam ko ako'y tanga-tanga



Hindi na 'ko uulit, sa sarili 'yan ang aking pangako

Pero naisip ko, sino ba talaga ang aking niloloko?

Sa sarili kong salita ako ay madalas na makalimot

Naalala lamang kapag may nangyaring masalimuot



Ilang salita na ba ang itinaga ko sa bato?

Na ilang beses na ring ipinukpok sa aking ulo

Pero bakit ganon, hindi pa rin ako matuto

O sadyang makulit lang talaga itong aking puso



*************************

for Averie Carley Benson of Whether I like it or not

Wala nanaman kasi akong magawa, puro ka ek-ekan nanaman itey

Hello GraceS! ^_____^ hope you read it, I miss JG God bless you! <3

Unlimited ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon